Episode 39 Welcome back, Wife ISABELLE'S POINT OF VIEW. Napakurap ako sa aking mga mata nang bigla iyong sabihin ni Luke kay Jackson na nasa tabi ko ngayon parang nawala nalang bigla ang pagkalasing ko sa sinabi ni Luke. “W-What?” nauutal na sabi ni Jackson. Napatingin siya sa akin ngayon na may pagkalito sa mukha. Napalunok ako sa aking laway at hindi alam kung anong isasagot sa kanya ngayon. “J-Jackson…” “Gusto mo ipakita ko pa sa’yo ngayon ang marriage certificate namin ni Isabelle?” sabat ni Luke Tinignan ko siya nang masama. “Luke!” awat ko rito. Kita niya na nga na gulat na gulat pa rin ngayon ang kaibigan ko tapos sasabihin niya iyon kay Jackson. Naramdaman ko ang pagbitaw ni Jackson sa akin at bahagyang paglayo. Alala akong napatingin sa kanya k

