Episode 50 The Revelation from the Past ISABELLE’S POINT OF VIEW. Nang mahimatay si Mommy ay agad namin siyang dinala sa kanilang kwarto ni Daddy at doon pinahinga. Nandito kami ngayon ni Ate habang hinihintay na magising si Mommy. Hindi namin alam kung nasa labas pa ba si Patricia o nag uusap ba sila ni daddy ngayon. Hindi pa rin ma proseso sa aking utak ang mga nalaman ko kanina, o totoo ba lahat ng mga iyon o isa lang itong prank. Tahimik kaming dalawa ni Ate ngayon dito sa kwarto na halatang malalim ang iniisip. Napabuntong hininga ako at napatingin kay Ate Lara na nakayuko ngayon at nakahawak sa kamay ni Mommy. “Ate,” tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. “Bakit parang galit ka kay Patricia kanina nang makita mo siya?” aking tanong. Napabuntong hi

