"Malinis naman. Hindi ba kumain si Dark Lee, kagabi? Hinugasan niya ba lahat ng mga kasangkapan niya kaya wala kahit isang maruming tasa? Baka naman may kasama na naman siyang babae at siyang naghugas ng mga pinagkainan nila kagabi?" mga tanong ko habang nagsusuot na ng mg gwantes sa kamay. Maglilinis na naman ako ng condo ng aking amo. Nitong mga nakaraan na araw ay madalas siyang wala sa kumpanya. Hindi naman niya ako tinatawagan sa cellphone o kahit pa padalhan ng message. Abala marahil sa ibang bagay si Dark Lee kaya hindi na muna siya nagpakita ng ilang araw. Nagpalit na ako ng mga mabibigat na kurtina gaya ng nakagawain at ipapa laundry ko na lang dahil hindi ko kayang buhatin mag-isa ang mga kurtina maging ang mga comforter sa kabilang silid na nagtataka ako kung bakit ko pinap

