Nanginginig ako sa galit ng makabalik ako sa second floor. Akala yata ng Dark Lee na yon ay uurungan ko siya? Akala niya yata ay basta na lang ako matatakot at titiklop sa harap niya. Hindi ko man siya maipakulong ay atlis nasabi ko ang mga dapat kong sabihin sa kanya. At pasalamat siya na maraming tao sa paligid dahil kung nagkataon na wala ay hindi ko pa alam kung anong masasabi ko mga masama at sa demonyong gaya niya. Wala akong tigil sa paglalampaso ng paglalampaso ng sahig dahil sa galit na nararamdaman ko. Alam kong nagtataka na ang mga tao dito sa second floor kung anong nangyayari at wala akong tigil sa paglilinis ay dito ko lang kasi mailalabas ang lahat ng inis at galit ko. Ang kapal ng mukha niya para titigan ako sa mga mata! Ang kapal ng mukha niyang humarap pa sa akin

