Episode 70

1138 Words

Dahil nga sinabi na ni Dark Lee ang totoo sa anak ko ay wala na akong magagawa pa. Hindi ko na rin maitatanggi pa. Masaya naman ang naging reaksyon ni Light ng malaman ang totoong kalagayan ko. Ngayon ay nakayakap siya sa tiyan ko habang nakalapat ang isa ng tainga sa tiyan ko na normal pa rin naman ang laki. "Ma, lalaki kaya siya o babae?" tanong pa sa akin ng anak ko habang pinapakinggan ang loob ng tiyan ko. "Hindi ko pa alam, anak. Pero kahit na ano pa ang gender niya ay ang mahalaga ay tulad mo ay lalabas siya sa akin ng malusog." Tugon ko at saka hinaplos ang buhok ng panganay kong anak na kailan lang ay siya ang nasa loob ng tiyan ko at ako lang mag-isa ang excited na makita na siya kapag na ipanganak ko na. "Baby, huwag mo naman pahirapan si Mama," bulong ng anak ko sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD