Episode 50

2538 Words

Lakad-takbo ang ginawa ko makalayo lang sa lugar kung nasaan ang hayop, baboy at demonyong si Dark Lee! Wala akong pakialam sa mga taong nakakasalubong ko at nagatataka na nakatingin sa akin basta makalayo na ako. Wala sa hinagap ko na muli na namang mauulit ang kawalang hiyaan sa aking katawan. Ang pambababoy sa akin! Ano ang naging kasalanan ko sa mundo at hinayaan na mangyari ito sa akin? Nang hindi lang isa kung hindi dalawang beses na. Ang kalaspatangan ng mga walang hiyang tulad ni Dark Lee at ng walang mukha at pagkakakilanlan na unang gumahasa akin! Wala kang kaluluwa Dark Lee! Sinusumpa ko kita! Hinding-hindi ko kita mapapatawad kahit lumuhod at magmakaawa ka pa sa akin! Kayang-kaya niyang kumuha ng mga babaeng bayaran kahit ilan pa ang gustuhin niya ngunit bakit ako pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD