"Miss Kabiling, personal na ni-request ni Sir Dark Lee na ikaw na muna ang ipalit sa kanyang personal assistant na si Agaton hanggat sa bakasyon ito. Magandang balita ito para sayo dahil may dagdag sa salary mo." Halos mabingi ako sa sinabi sa akin ni Mister Abao na siyang aking supervisor. Anong magandang balita? Baka naman isang masamang balita dahil ibig sabihin lang ay makakasama ko na naman ang demonyong iniiwasan ko. Balak ba talaga ni Dark Lee na bwisitin at pahirapan ako dahil sa mga nagawa kong pagkakamali dati? "Ako po? Personal assistant?" nagugulimihan kong tanong. "Oo, Miss Kabiling. Nagtataka ka siguro kung bakit ikaw pa ang napili sa dami ng pwedeng ipalit o pwede rin naman na mag hire nalang ng iba. Inalala kasi ng big boss natin ang kalagayan mo bilang pwd at single m

