"Nariyan lahat ng mga listahan ng mga transaction natin, Sir." Si Agaton ang nagsalita. Narito siya ngayon sa opisina ng amo namin at nagrereport ng mga kung anu-anong mga hindi ko naiintindihan mga deliveries. Aabangan ko ang pag-alis ng lalaking ito at humanda siya sa akin. Ang kapal ng mukhang magpakita dito sa opisina gayong alam niya na ang pagbabalik niya ang tanging hinihintay ko para makabalik na rin ako sa second floor. Hindi ko alam kong inaasar ba talaga ako ng mag-among to? Saan ka nakakita ng nasa bakasyon daw gayong dalawang beses na kaming nagkita. Una sa golf club ngayon naman ay dito na sa mismong opisina. Kaya mamaya sa akin itong si Agaton. Bulong ako ng bulong sa sarili ko at ganun din si Sir Dark at Agaton habang nag-uusap ng masinsinan. "What?! Anong nawawa

