"Ma, ang dami niyo po yatang pa order ngayon?" untag ni Light ng makita akong abala sa pagsangkap ng mga giniling na baboy para sa home made longganisa na gagawin ko. Kanina ay may bilin pa sa akin si Joy galing sa secretary ni Dark Lee. Dagdagan ko raw ng mas marami pang bawang ang produkto na para sa aming big boss. Bukod pa roon ay araw-araw daw akong magdala ng luto na para ready ng kainin. Hindi naman kaya tumaas ang dugo ni Dark Lee kung puro longganisa na lang ang kakainin niya? Kahit naman masarap ang gawa ko ay concern din naman ako sa kalusugan ng iba. "Oo, anak. May isa kasing customer ang nagustuhan ang longganisa ko at ang dami niyang inorder at araw-araw din akong pinagdadala ng luto na para sa almusal niya." Nakangiti kong kwento sa anak ko na dahilan ng lahat ng mga g

