***
"sis bat ang tagal mo?" naputol ang sasabihin sana ni Sophia ng marinig ko ang medyo may kalakasang tanong ni Zandie na ngayon ay papalapit na siya sa gawi namin
Tumingin si Sophia sa kanya "oh I'm sorry‚ maybe I'm just hallucinating, i'm drunk already, Avi is a cheap slut so I know hindi siya pupunta sa ganitong lugar" sabi ni Sophia at tumalikod tsaka naglakad papalayo samin
Narinig naman ito ni Zan at akmang susugudin niya ng hilain ko ang kanyang kamay
"tara na sis" sabi ko baka may gulo pang maganap eh, maya maya ay huminto ako sa paglalakad ng hawiin ni Zan ang kanyang kamay mula sa pagkahawak ko, tumingin ito sa akin ng seryoso
"who's that? did you know her?" takang tanong nito‚ nakita ko naman sa kanyang mukha ang curiosity
"h-hindi" pagsisinunungaling ko "hayaan mo nalang yon" dagdag na sabi ko
Tumango lang ito at hinila niya ko kung saan nandon sina Sab at Charry. So ayun nag simula nanaman kaming mag inuman hanggang sa hindi ko na alam ang mga nangyayari
___
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, napahawak ako sa aking ulo dahil napakasakit nito 'na hang over ata ako‚ jusko po Avi' sabi ko aa utak‚ tinignan ko ang oras at ganun nalang ako nagulat dahil 12:43Pm na pala meron ding 15 missed calls galing kay Cole at 8 messages kaya agad binasa ko ito
"where the f*ck are you woman!?"
"Answer my f*****g call"
"Pick up your godamn phone Avi!"
"I warned you already"
"You're gonna regret what you've done!"
Galit na galit na si Cole 'hay nako Avi‚ malalagot kananaman niyan' sabi ko sa utak ko "sis you're already awake" napaigtad ako sa gulat ng biglang sumulpot si Zan‚ lumingon ako kung nasaan siya nakatayo
"a-asan ako sis?" takang tanong ko kasi hindi naman ito yung apartment niya‚ tsaka mas lalong wala ako sa bahay‚ wala talaga akong ideya kung saan tong lugar
"wag kang mag alala sis? nasa bahay tayo ni Sab lasing na lasing kasi ako kagabi kaya hindi ko kayang magmaneho" sabi nito "teka bakit ba putlang putla ka" dagdag na tanong niya
"wala to sis" sabi ko pero sa kaloob looban ko natatakot akong umuwi‚ natatakot ako sa asawa ko‚ natatakot ako sa kung anong gagawin niya
"kailangan ko ng umuwi sis" sabi ko sabay tayo at inayos ang kama mas mabuti pa 'to baka mas lalong magalit sa akin si Cole‚ pag ginabi pa ako
"mag lunch muna tayo dito sissy gutom nako eh" sabi niya ayoko sana eh kasi gusto ko ng umuwi maya maya pumayag na din ako dahil sa pamimilit nito tsaka gutom na daw eh "here sis" sabi niya sabay abot sakin ng hoddie at jogging pants
"anong gagawin ko dito?"
"eat it, baka mabusog kapa" pamimilosopo niyang sabi‚ matatawa sana ako kaso nawalan ako ng gana ng maisip ko ang parusa ko mamaya‚ nakakatayo ng balahibo
"o sige‚ salamat ha" sabi ko naman para sakyan kung ano man ang trip niya
"you're welcome baba ka mamaya para makakain na tayo" sabi niya at umalis sa kwarto
Pagkatapos kong nagpalit ng damit ay bumaba na ako at hinanap ang kusina, grabe laki naman ng bahay na ito pero mas malaki pa din yun Luxury house ni Cole kaso pangit ang mga design nun puro kasi mga gray at black, tapos eto namang bahay na ito, maganda. Binuksan ko ang isang silid na ang pagkakaalam ko ay Kusina ata? Pagpasok ko nakita ko si Zan na nagpreprepare ng pagkain "Avi lika dito" aya sa akin ni Zan
"Hmm ikaw nagluto?" Tanong ko sa kanya, tumango siya
"oo, for sure masarap lahat ng ito basta ako haha" sabi niya at tumawa mahina
"Oo nga basta ikaw" sabi ko nalang, who am I to ruin someones confidence 'di ba?
"tara dalhin na natin to sa dinning" sabi niya at kinuha ang isang bowl na may lamang ulam, kinuha ko ang kanin at sinundan siya
Ng makarating na kami sa dinning ay inilapag kona ang kanin sa table ganun din si Zan, babalik na sana ako sa kusina kase walang plato kaso nagsalita si Zan
"Upo ka lang diyan, ako na" sabi niya at naglakad papunta sa kusina, hinintay ko nalang siyang makabalik
Pagbalik niya inabot niya sa akin ang plato, kinuha ko naman "hmm btw may tatanungin ako" basag ni Zan sa katahimikan, tinignan ko siya with questioning look
"Ano naman?"
"Mabait ba si Mr. Satanillian?" Tanong niya habang sumasandok ng kanina, naku hindi yon mabait, actually wala siya puso de joke
"Oo naman, bat mo natanong?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya
"Wala lang, pero hindi kaya hinahanap kana niya ngayon?" Tanong niya ulit at sumubo ng pagkain
"Baka nga hinahanap na niya ako ngayon kaya nga gusto ko ng umuwi baka magalala pa iyon lalo" sabi ko kahit alam ko naman na never yon magaalala sa akin kahit ano pang mangyari sa akin
"Naks sana all naman sisi ano kayang feeling ng may asawa?" Tanong niya na nagpatawa sa akin ng mahina
"Asawahin mo kasi si Josh para malaman mo" natatawang biro ko bigla nalang niya akong sinamaan ng tingin
"Ayoko na ngang makipagusap sayo tsk pangit mo kabonding" sabi niya at kumain
"Haha biro lang yun"
"Haha nakakatawa, kumain kana nga lang diyan" sabi niya at inirapan ako, kumain nalang ako
"Teka pala nasaan sina Charry at Sab?" Tanong ko kasi mula hanggang umaga hindi ko pa sila nakikita
"May pinutahan sila baka mga 3:00pm pa ang balik nila" sagot ni Zan habang kumakain
"Saan naman daw?"
"Ewan ko ba sa dalawang yun, just don't mind them, ayos lang naman ata ang mga yun" sabi ni Zan, na ikinatango ko nalang
Pagkatapos naming kumain ay inilipit namin ang aming mga pinagkainan pagkatapos non ay byumahe na kami paputa sa bahay ni Cole, hindi talaga maalis sa isip ko ang maaring mangyari sa akin pagkadating ko sa bahay ng aking asawa
Habang nasa byahe biglang nagsalita si zan "sis are you okay, para kasing kinakabahan ka?" tanong nito siguro napansin niyang kanina pa ako hindi makapakali 'hindi talaga ako okay Zan' sabi ko sa utak
"oo naman sissy" pinilit kong huwag mautal at umaktong ayos lang dahil baka mamaya kung ano pa ang isipin niya‚ baka magalala nanaman siya
"sis you're trembling, are you cold?" tanong ulit nito, hayst eto talaga ang daming pinapansin 'nangingig ako dahil sa takot sis‚ hindi sa lamig' sabi ko sa utak
"h-hindi sis ayos lang ako" sabi ko tumango naman si siya pero makikita mo talaga sa kanyang mukha ang kanyang pagka curious‚ ano kaya ang iniisip niya‚ wag naman sana siyang mag taka at wag mapansin na ako ay natatakot
Maya maya ay ihininto ni Zan ang kanyang kotse sa gilid ng gate ng bahay ni Cole "were here, would you mind if I accompany you inside?" tanong niya, hindi ko alam kung bakit niya yon natanong, umiling nalang ako bilang sagot
"bakit naman sis? haha hindi na kailangan" nakangiting sabi ko at binuksan yung pinto tsaka lumabas
"are you sure?" tanong nito na nagpatango sakin "ok, I understand‚ I'm going now take care sis" pagpapaalam niya‚ whoosh buti nalang at hindi pa siya nangulit
"sige ingat ka din" sabi ko at kumaway sa papaalis na sasakyan 'parang pinagsisihan kong umuwi pero hindi ko kayang hindi makita yung asawa ko'
Bubuksan ko sana yung gate ng bumukas ito at iniluwa ang isang guard
“m-ma'am san po kayo galing? kagabi pa po kayo hinahanap ni sir” hindi makapakaling sabi ng guard, shocks kagabi pa? I thought hindi siya umuwi kagabi, lagot na talaga
“g-ganun ba, may pinutahan lang kasi ako eh‚ asan siya?” kinakabahang tanong ko‚ mukhang parehas na ata kami ng guard na kinakabahan‚ bakit ano bang nangyari?
“alam niyo po bang galit na galit siyang umalis kanina para hanapin ka nakakatakot nga eh” sagot niya “tatawagan ko nalang ho siya at ipaalam na andito na kayo” dagdag niya tumango naman ako bilang sagot
“s-sige” utal na sabi ko at naglakad papunta sa mansiyon‚
pinagsisisihan kona talagang tumakas
Pagpasok ko sa mansyon bumungad sa akin ang mukha ni Sophia “well look who's here” sabi niya pero hindi ko siya pinansin at linagpasan lang‚ mukhang ang saya niya ngayon ah‚ siguro kasi tuwang tuwa siya sa mga nagyayari
“did you enjoyed last night slut?” sarcastic niya tanong kaya napahinto ako‚ kung may slut man dito siya yun‚ wag niya akong idamay
“wala ako sa mood maki pag away sayo Sophia” sabi ko at muling naglakad papunta sa kwarto ko
“stop right there!” rinig kong sigaw niya pero hindi ko pinansin hanggang sa makarating ako sa harap ng aking room, akmang bubuksan ko ito ng may humila sa buhok ko “don't you ever dare na talikuran ako‚ nagsasalita pa ako!” galit na sabi nito at mas diniinan ang pagka sabunot sa buhok ko
“tumigil ka nga sophia‚ nararapat lang na hindi bigyang pansin ang mga pinagsasabi mo dahil wala naman itong kabuluhan” sigaw ko “bitawan mo ako!” muling sigaw ko
“chill, I just want to inform you that Silver already knew that you went in the bar last night and the worst thing is, I told him that your companion is your loving boyfriend” nakangiting sabi niya hindi ako nakapag salita dahil sa sinabi niya, what? Ano bakit naman niya iyon ginawa??
"pero nakita mo naman na si Zan yung kasama ko!" pasigaw na sabi ko dahil hindi ko talaga mapigilang magalit sa kanya‚ ano ba talaganf problema nito sa akin at kaylangan niya pa kong siraan kay Silver‚ wala naman akong kasalanan sa kanya‚ wala akong ginagawang masama sa kanyan? bakit hindi niya ako magawang tatantanan!?
Pinaikot niya ang mata niya "I don't care, just be ready silver is very angry right now he might kill you, oh my gosshh hindi na ako makapag hintay na bugbugin ka niya sa harap ko!" tili nito ang sama talaga ng ugali! Anak ni Satanas amp
"hindi‚ sasabihin ko sa kanya ang totoo" sabi ko kahit alam ko naman na hindi ako pakikinggan ni Cole at alam kong kahit ano mang mangyari ay si Sophia parin ang laging tama sa paningin niya, ang sakit lang sa atay
"well that if he'll believe in yo-
"WHERE'S THAT WOMAN!!?" naputol ang sasabihin niya ng umalingaw ngaw sa loob ng mansyon ang galit na boses ni silver dahilan ng pagtayo ng balahibo namin ni sophia, binitawan na din ni sophia ang pagkasabunot sa buhok ko ng marinig niya ang mabibigat na yapak ni Silver patungo sa kinakaroonan namin
"I'm so excited!" sabi nito habang may napakalawak na ngiti na nakatingin sa akin
Nakita ko naman si Cole na galit na galit papunta sa kinatatayuan namin ni Sophia "Cole—
PAK* hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng dumapo ang palad nito sa pisngi ko dahilan ng pagtabingi ng aking mukha
"YOU'RE SUCH A HARDHEADED WOMAN!" galit na sabi nito sabay hawak ng mahigpit sa aking buhok, hinawakan ko ang kanyang kamay na nakasabunot sa akin at pilit tinatanggal "GO TO YOUR ROOM SOPHIA!" sigaw nito sa nanonood lang na si Sophia‚ naglakad naman ito paalis na may panalo at satisfied na nakaplastered sa kanyang mukha
"C-Cole mag papaliwanag ako" mangiyak ngiyak na sabi ko
"No need to explain cause I know you are really a w***e!" sigaw niya sa mukha ko at binalibag ako sa sahig dahilan ng pagkatumba ko "because you disobeyed me" pagsisimula nito ng hindi manlang pinansin ang sinabi ko "let me tell you some interesting news‚ your know what? Your family is back from being poor" natigilan ako dahil sa sinabi niya anong ibig niya sabihin hindi kaya, hindi kaya hindi maaari maya maya nakarecover na din ako kaya nagsalita ako
"a-anong i-ibig mong sabihin" nagkanada utal utal na sabi ko dahil sa nararamdang kaba kung anong ginawa niya sa aking pamilya
"easy, I just revoked my 80% share in your father's company" parang wala lang na sabi nito pero pano nayon nagawa eh may kasunduhan sila
"a-ano? H-hindi, hindi mo yan magagawa" utal utal na sabi ko hindi ko na din mapigilang umiyak
"well, I just did" sarcastic niyang sabi, hindi, hindi niya pwedeng gawin yon pano na ang pamilya ko‚ pano na ang mga pangangailangan nila? ano ba tong ginawa ko! Kasalanan ko ang lahat ng ito eh, kung hindi ko lang sana sinuway si Cole ay sana hindi ito nangyayati ngayon
"S-silver nagmamakaawa ako gawin mona ang gusto mong gawin sa akin wag mo lang gagalawin ang pamilya ko" pagmamakaawa ko habang umiiyak
"I already warned you Avi but you keep on doing such stupid things, so just good luck to your family" sabi nito at akmang aalis ng hawakan ko ang kanyang paa
"please Cole wag mong gawin to‚ maawa ka sa pamilya ko" pagmamakaawa ko, nakaluhod na din ako ngayon habang hawak ang kanyang isang paa
"GET OFF YOUR FILTHY HANDS ON ME SLUT!" galit na sabi nito pero hindi ko ito ginawa
"nagmamakaawa ako wag mong gawin sa pamilya ko to‚ please" sabi ko pero sinipa niya lang ang kamay ko dahilan ng pagka bitaw ko sa paa niya
"you know what, if your father is not a dumb businessman he might save your company but
because of his dumbness and stupidity I'm afraid you will lost your company" sabi nito at nag simulang maglakad, how dare he para insultuhin ang ama ko‚ sino ba siya para tawaging dumb at stupid ang ama ko? sa akin ayos lang na sabihan ako ng kahit ano p****k‚ malandi at iba pa pero tawaging ganon ang ama ko‚ hindi ako papayag‚ kinuyom ko ang kamay ko at tumayo
"wala kang karapatan na insultuhin ang ama ko!" sigaw ko sa papalayong si Cole
"bring her to the stuck room! don't give her food and water hangga't wala akong iniuutos, naiintindihan niyo!?" sabi niya sa mga dalawang guards na nakatayo lang sa gilid at kanina pa pala kami naririnig
"O-opo sir" sagot nila
Agad namang lumapit ang dalawang sa akin at hinawakan ang magkabilat kanang braso ko tapos kinaladkad papunta sa stuck room
"napakasama mo Silver‚ demonyo ka! sana hindi nalang ikaw ang minahal ko! sana hindi nalang kita minahal!" sigaw ko sa kanya habang sapilitan akong hinihila ng dalawang guards
May sinabi pa si Cole pero hindi kona ito narinig kasi tuluyan na akong inilayo sa kanya ng dalawang guards, sapilitan nila akong pinasok sa stuck room, lumaban ako pero ano naman ang laban ng isang babae sa dalawang lalake?
"palabasin niyo ako dito!" sigaw ko at pinagpag ang pinto pero alam kong hindi nila ako aalis dito‚ tumahimik nalang ako dahil wala din namang magbubukas nitong pinto kahit sisigaw pa ko ng sisigaw, kahit mapaos pa ako sa kasisiagaw wala din lang namang mangyayari
Kinapa ko ang switch ng ilaw dito‚ ng mahawakan kona ay pinindot ko ito pero wala palang ilaw dito sa room na to 'jusko po ang dilim' sabi ko sa utak
Umupo nalang ako dito sa gilid ng pinto habang yakap yakap ang dalawa kong tuhod, wala na akong ibang gawin kundi umiyak
"pano na ang pamilya ko ngayon?" mahinang bulong ko, dahil sa kakaiyak 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako
. . . itutuloy