***
Natapos ang araw na nasa bahay lang ako‚ hayst nakakaumay na‚ nagtungo ako sa aking silid kasi wala si Cole ngayon may pinuntahan daw eh‚ ewan ko event daw yun eh
Flashback
Nakita ko si Cole na pababa sa hagdan‚ napamangha nalang ako dahil mas lalo itong gwumapo dahil sa suot niyang black tuxedo na pinarisan ng black pants with black shoes na bumagay naman sa kanyang kaputian 'ang hilig hilig talaga nito sa black' sabi ko sa utak
Ng makalapit na ito sa akin ay bigla ko siyang hinarangan gamit ang dalawa kong braso tsaka ngumiti
"what?" bored na sabi niya habang nakantingin sa akin‚ san kaya to pupunta
"san ka pupunta‚ gabi na ah?" tanong ko dito
"you don't care" sabi nito at linagpasan ako pero hinarangan ko ulit siya
"saan nga" sabi ko at ngumiti "ang gwapo mo kasi eh‚ hindi ka naman siguro makikipag date 'di ba?" dagdag na tanong ko‚ tumingin ito sa'kin na parang naiinis na
"pupunta ako sa isang event‚ ngayon tumabi ka kung ayaw mong sipain kita palabas" sabi niya at linagpasan ako‚ hindi ko na siya kinulit pa at hinayaan siyang makaalis‚ mahirap na baka totohanin niya ang kanyang sinabi
__End of the flashback
Humiga ako sa kama at kinuha ang isang unan sabay yakap "aist si Cole dapat to eh" sabi ko at pinikit ang king mga mata para matulog.
Hindi na ako kumain ng dinner kasi nakakatamad.
Kinabukasan maaga akong nagising‚ tulad ng dati naligo muna ako bago nagtungo sa kitchen‚ ngayong araw na pala ako tatakas,
"hayst nakauwi na kaya siya?" tanong ko sa sarili habang nagluluto ng kanin
Pagkatapos kong magluto tinignan ko si Cole sa kwarto niya‚ nailang katok na din ako at naka ilang tawag sa pangalan niya pero wala paring sumasagot napabuntong hinga nalang ako at bumalik sa kusina "hindi pa siya nakakuwi" sabi ko sa sarili at bumaba. Bumalik ako sa kusina para kumain na.
Pagkatapos kong kumain biglang tumunog yung selpon ko kaya tinignan ko ito 'sis mag ayos kana' yan ang nabasa kong text ni Zandie‚ muling tumunog ang selpon ko 'andyan na ko after 20mins' dagdag na text nito‚ ang aga naman tinignan ko ang oras at napabuntong hininga ng makitang 7:00am pa lang‚ siguro dahil sa sobrang excited nitong makita ako? Ganon talaga kapag namiss mo
Agad kong hinugasan ang pinagkainan ko at pumunta sa aking kwarto para makapagpalit ng damit. Nagsuot ako ng V-neck shirt with black ripped jeans tsaka nagsuot ng shoes‚ pinonny tale ko ang aking buhok at lumabas
Pagkalabas ko nakita kong walang bantay sa gate kaya agad akong tumakbo palabas‚ buti nalang walang mga guard ngayon. Napakadali naman palang tumakas
Habang naglalakad sa gilid ng kalsada, palayo sa bahay ni Cole ah kinuha ko ang selpon ko sa aking bulsa para tawagan sina Zandie buti nalang at may maireredeem pa ako
"hello, sis saan na kayo?" tanong ko ng sagutin na niya ang aking tawag, narinig ko itong tumawa ng mahina
"excited? excited?" sabi niya "andyan na, maghintay ka nga, wag masyadong excited" dagdag niya sabi at tumawa ng mahina
"Haha medyo lang naman eh" natatawang sabi ko "pero lagpasan niyo yung mansyon kanina ko pa kasi kayo hinihintay eh kaya naglakad-lakad muna ako" pagsisinungaling ko, actually naglakad lakad ako para makalayo sa mansyon
"wow, ano yon Sis, sobrang excited yarn? kaya naglakad kana" natatawang sabi niya, luh hindi ko lang sila nahintay sa mansyon tapos excited na agad?
"Haha asan na ba kasi kayo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad pa din
"naka red t-shirt ka sis?" tanong niya sa kabilang linya, oums ba't niya knows?
"Oo?" sabi ko at lumingon sa likod ko ng may marinig akong engine ng sasakyan, huminto ito at kasabay non ay ang pagbukas ng pinto sa back seat, lumabas si Zandie
"Avivyaanngg!?" sigaw niya sabay yakap sa akin, omg ngayon ko lang ulit siya nakita, ba't siya tumangkad? Tapos ako, hindi?
"Zan!" sigaw ko din at yinakap siya pabalik
"miss na miss na talaga kita sis!" parang naiiyak niya sabi tumawa naman ako ng konti, sana all may nakaka-miss naman pala sa akin?
"ako din sis, oh baka iiyak ka" sabi ko sabay lahad ng panyo ko na kanina ko pa dala
"anong iiyak? hindi ah bakit namatay ka ba?" natatawang biro niya "teka nga, parang may mali sayo sis?" dagdag na tanong niya at tinignan ako from head to toe
Nagtataka naman akong tumingin sa kanya "huh ano yon sis?" tanong ko, habang nakatingin pa din sa kanya
"ano kasi eh, I mean pumayat ka tapos ang simplee mo‚ anong nangyari?" sabi niya habang nakataas ang kilay
Tumawa ako ng mahina "haha ganon talaga pag kasal kana" natatawang sabi ko at tumango naman ito "payakap pa nga" sabi ko at yinakap ko siya ulit miss na miss na miss ko na talaga tong babaeng to tumawa siya at yinakap ako pabalik, iba talaga ang pakiramdam 'pag may kaibigan kang tunay
"Meron di akong napansin sayo Zanzan" sabi ko habang nakatingin sa kanya, tumaas ang kilay niya
"Ano naman yon, aber?" tanong niya
"Tumangkad ka tapos, mas lalo ka pang gumanda alam mo ba iyon" sabi ko, she rolled her eyes
"Yeah, siyempre alam ko" sabi niya at nagflip hair, wewz sobrang confident! When din kaya ako magkakaroon ng confidence like her?
"HINDI BA KAYO PAPASOK?" sigaw ng nasa loob ng kotse, wait parang pamilyar yung boses na iyon. What andito pala si josh‚ luh siya pala yung nagdrive‚ ngayon bilib na ako sa the move's ni josh
"tumahimik ka nga diyan kahit kailan talaga panira ka ng moment" sigaw ni Zandie sa kanya
"ikaw ang manahimik pato ka" sigaw ni josh pabalik
"sinong pato? pano mo ako natawag na pato‚ sa ganda kong to? bulag ka siguro?" tanong ni Zandie at umirap habang nakacross arm
"maganda daw yuck‚ eww" sagot ni Josh at umaktong nasusuka
"kanina ka pa ah‚ napipikon na ako!" sabi ni Zandie at pinuntahan si Josh sa driver seat at piningot ang kanyang tainga
Dumaing naman si Josh dahil sa sakit "ouch tama na aaaa!" daing ni josh habang inaawat si Zan
"Zan hahaha, tama na yan baka matanggal mo ang tainga ni Josh" awat ko sa kanya, tumigil naman ito sa pagpingot sa tainga ni Josh
"Pasalamat ka andito si Avi, kung wala hmm, hindi ko na alam ang nangyari sa tainga mo!" sabi ni Zandie "tara na nga sa loob sis" dagdag niyang sabi at hinawakan ang aking pulso
Pinauna niya akong pumasok sa back seat bago siya pumasok. "Mabuti naman at naisipan niyong pumasok, akala ko ba mananatili kayong nakatayo sa labas" sabi ni Josh at pinatakbo ang sasakyan
"Sabi ko nga dapat hindi ka nalang sumama, napaka epal mo!" sagot sa kanya ni Zanzan
"Sana ikaw nalang ang hindi sumama tsk, napakapangit talaga kapag kasama ka sa isang trip" sagot ni Josh kay Zan pabalik
"Ako pa ngayon ang pangit kasama!? eh ikaw na ngalang ang nagpumilit na sumama sa trip namin ni Avi!" sigaw ni Zan ako naman ay nakaupo nalang sa tabi habang nakikinig sa kanila, sanay na ako sa kanilang bangayan
"Nagpumilit lang naman ako kasi gusto kong makasama si Avi tsk!" sabi ni Josh, ginamit pa ako oh, alam ko naman takala ang purpose niya kung bakit siya sumama eh at yun ay para makipagasaran kay Zan haha at siyempre makita niya na din si Zandie
"Ah p*tangina mo!"
"P*tangina mo din"
__Then the World War 3 begins
"josh sa daan ka tumingin baka mabangga tayo!" sigaw ko ng makita kong naktingin ito kay Zandie sa salamin 'luh nainlab na talaga oh' sabi ko sa aking utak at pinigilang tumawa
"oo nga 'pag tayo dumiretso sa hospital ikaw ang sisisihin‚ hayop ka" sigaw ni Zandie kay Josh
"haha sorry na eto na magfofocus na sa pag dridrive" sabi nito at tumingin na sa daan
"ayan tama yan magfocus ka sa pagmamaneho wag kay Zandie!" sabi ko, tinignan ako ng dalawa
"haaa?" sabay sabi nila, oh diba jinks
"yiee sabay talaga‚ I smell fishy na ha" mapangasar kong sabi sa dalawa "sana ol nalang" dagdag na sabi ko at nginitian sila ng may meaning
"hoy ikaw Avi manahimik ka jan baka sabunutan kita" sabi ni Josh habang nakatingin sa akin ng masama sa salamin
"Anong smell fishy ha? Avivyang?" taas kilay na tanong sa akin ni Zan, tumawa nalang ako ng mahina
"Alam niyo, sa totoo lang bagay talaga kayong dalawa haha yiie" sabi ko, ng marinig nila iyon ay sabay silang umaktong nasusuka
"Ako at si Josh ba— yucks no eww, never! My gosh Avi ano bayang pinagsasabi mo ha!?" pagtanggi ni Zandi tumawa ako dahil sa kanyang inakto, may paaction pa kasi ito, pinag cross pa naman niya ang kanyang dalawang braso nung sinabing yung katagang never
"Ano ba yan avivyang kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Ako tapos yung bruhang iyan bagay! Omg no nakakadiri!" pagtanggi ni Josh, luh oh pinairal nanaman niya ang kanyang katorpehan
"Oo na hindi na nga kayo bagay" sabi ko habang natatawa pa din
"Ayan tama yan" sabi ni Zan, sumang ayon kuno si josh, pero sa kanyang kaloob-looban siya ay sumasang ayon sa sinabi ko kanina na bagay sila
__
Finally matapos ang Ingay sa loob ng kotse at nakarating na din kami sa Williams Restaurant si Zandie ang nagmamanage nito kaya for sure treat niya, sabi niya kanina ay bumalik siya sa bansang ito dahil walang magmamange nitong restaurant nito, si Kuya kasi ay seaman tsaka hindi niya daw hilig ang pagbubusiness
"tara sis" imbita ni Zandie sa akin, hinawakan niya ang aking kamay at hinila papasok sa kanilang restaurant
Bago pa man kami makalayo kay Josh ng magsalita ito "hindi talaga ako belong" sabi niya at umaktong nalulungkot natawa naman ako dahil don
"hindi talaga‚ pinagsisisikan mo lang ang sarili mo sa'min eh" mataray na sabi ni Zandie
"tsk, wala akong pake una na ako sa loob" sabi ni josh at linagpasan kami, nauna siyang pumasok sa loob ng restaurant
"ang arte papasok naman pala eh!" sabi ni Zan "tara na nga Avi" dagda na sabi ni Zan at hinila muli ang kamay ko
"Good Afternoon ma'am" bati ng waitress sa amin
"good aftie can I asked you, what table did you reserve for us?" tanong ni Zan sa kanya
"sa table 53 po ma'am" sabi ng waitress kaya tumango si Zan.
"Thanks"
Hinanap namin yung table at nakita namin don si Josh na nakaupo habang nag seselpon pumunta nakami kung saan nandon si josh at umupo.
"here sis, pumili ka kung anong gusto mo" sabi ni Zan habang inaabot yung menu, hindi ko ito kinuha
"kung anong sayo yon na din sa'kin" sabi ko tumango naman ito
"hindi ka pa din nagbabago gaya gaya ka parin" sabi nito at mahinang tumawa, tumawa naman ako ng mahina
"ganon talaga haha"
"oh eto" mataray na sabi ni Zan habang inaabot yung menu kay josh kinuha naman ito ni Josh
"awtss ililibre nanaman ako ng rich kid" mapangasar sabi ni Josh at binuklat ang menu tsaka namili kung ano ang kanyang kakainin
"asa ka naman bayaran mo yung sayo total may pera ka naman eh!" sabi ni Zan kay josh
"hindi mo ba ako lab?" nakangusong tanong ni Josh masama namang tumingin si Zandie kay josh
"Haha ang kyut naman‚ hindi mo ba daw lab sis?" natatawang tanong ko at tinignan nanaman sila ng may meaning, boto talaga ako sa kanilang dalawa, naghintay ako sa sagot ni Zan at alam kong kahit naghahanap pa din ng ioorder si Josh ay hinihintay niya din ang isusumbat ni Zan
"san ang kyut don Avivyangg, nagiging mukha nga yang aso eh!" naiinis na sabi ni Zan haha di sinagot yung tanong nakakalungkot charot.
"hoy, sumosobra kana ah‚ kung di mo ko lab edi hindi din kita lab sino ka ba" naiinis na din na sabi ni josh
"guys tigil na" sabi ko dahil nagsisimula nanaman silang magbangayan, tumigil naman sila
Sa wakas ay natapos na sa pagpipili si Josh kaya tinawag na nila ang waiter at sinabi ang kanilang order, sinulat naman ito ng waiter sa kanyang hawak hawak na maliit na papel, ng umalis na ang waiter sa harap namin ay bumaling ng tingin sa akin si Zan
"sis, magkwento kana" sabi niya, ano naman ang ikwekwento ko? Ang pangit ng buhay ko kaya ayoko talagang nagkwekwento tungkol sa akin kasi wala namang nakakaexcite, tsaka ang pinakamaganda lang namang nangyari sa buhay ko ay yung nakilala ko si Cole.
"ano naman ang ikwekwento ko?" tanong ko
"yung pinagusapan natin" sabi niya, ano nga ba ulit ang pinagusapan namin? Inaalala ko ito hanggang sa magsalita si Josh
"nung pumunta ka sa paris at dahil wala kang pake sa kaibigan natin hindi mo alam na nag pakasal na siya kay Stanillian" singit na sabi ni Josh habang panay ang pagpindot sa kanyang telepono
"tumahimik ka nga hindi ikaw yung kinakausap ko tsaka anong sinasabi mong walang pake!?" sabi ni Zandie kay Josh, hindi nalang ito pinansin ni Josh at tinuloy ang pagkulikot sa kanyang selpon
"arrange marriage yon sis sa totoo lang hindi ko kilala na si Mr. Stanillian pala ang ipapakasal sa akin ni Daddy, kaya naman ako pumayag ay dahil para masuklian ko yung mga sakripisyo ni dad para sa akin noon” mahabang sabi ko na ikinatango ni Zan
“yung Stanillian ba talaga na tinutukoy mo ay yung may ari ng Tlc Network?” tanong ni Zan‚ sa totoo lang hindi ko alam‚ di naman kasi kami naguusap ni Cole eh ‘anong klase kang asawa Avi?’ tanong ko sa utak
“oo siya nga, sino pa nga ba?” sabi ni Josh at inirapan si Zan, my gosh may pagkabakla ata talaga ito
“kahit kaylan talaga sasabat ka” sabi ni Zan kasabay non ay ang pagdating ng kanilang inorder "oh tapos anong nangyari?" dagdag na tanong ni Zan
Kwinento ko na lahat simula nung una pero hindi ko sinabi yung paghihirap na naranasan ko sa bahay ni Silver
“mag mamall tayo sis!” biglang tili na sabi ni Zan ng matapos kaming kumain, mall? ayoko Wala akong pera!
“kayo nalang wala akong dalang pera” sabi ko dahil wala naman talaga akong pera‚ pano naman ako makakakuha non eh palaging nasa loob lang ako ng bahay
"naku ang yaman yaman ng asawa mo tapos wala kang nagdadala ng pera sayang naman sis pero sige ako na bahala sa gastos mo ngayon” sabi Zandi sa akin, sa totoo lang laging si Zan ang naglilibre sa amin dati nung senior pa kami siya kasi yung palaging may pera sa aming tatlo
“sana ol rich kid” sabat ni josh
“sana ol papansin” sabi ni Zandie
“sana ol may something” sabat ko at tumingin nanaman sa kanila ng nakakaloko
"kanina ka pa ha Aviva, hindi na nakakatuwa" sabi ni Zandie, nagsorry nalang ako sa kanya dahil seryoso itong nakatingin sa akin " de okay lang, tara na" sabi niya at hinawi nanaman ang aking kamay palabas ng kanilang restaurant
"Ang init talaga sa pilipinas" sabi ni Zan ng makapasok kami sa loob ng kotse, inon niya ang aircon "ang tagal naman ng driver na yon" dagdag na sabi niya, tumawa ako, siguro kapag narinig yon ni Josh ay magaaway nanaman sila
. . . itutuloy