"Thank you, Baby. I love u!" hindi makapaniwala si Miggy na sa wakas ay kasal na rin sila ni Felicity. Matagal niyang pinangarap na maging kabiyak ang pinaka unang babaeng minahal niya. Hindi man pabor ang magulang nito sa pagmamahalan nila ay napatunayan ni Miggy na karapat-dapat siya para rito. Naaalala pa niya noong tanungin siya ng Ama nito. "Sigurado ka na ba sa anak namin? Baka naman paiiyakin mo lang siya katulad ng mga naririnig kong mga babaeng pinaiyak ng angkan niyo." hindi kaagad makasagot si Miggy. Hindi dahil totoo ang sinasabi nito kung hindi ay dahil sa alam niyang hindi maiiwasang may mga marinig ito sa angkan nila. Lalo pa at hindi maitatago ang kagandahang lalaki ng angkan nila. Hindi man sa pagyayabang pero kadalasan ay napipikot ang lahi nila. Katulad ng mga pinsan n

