"Mosh, bilis. Mali-late na tayo sa appointment natin." sigaw ni Trisha sa asawa habang nagbibihis. Napasarap ang kuwentuhan nila kagabi kaya naman late na silang nagising. Ilang araw na ring naging maayos ang pagsasama nila sa loob ng iisang bahay. Ilang araw na naging maganda ang takbo ng relasyon nila. "Mosh!" muling sigaw ni Trisha. Paano'y napakatagal maligo ni Miggy. Paglabas nito ng banyo ay agad niya itong hinatak sa tapat ng closet nito. "Why are you rushing? Maghihintay naman ang mga iyon dahil wala silang choice." saad ni Miggy na hindi alintana ang oras. At para inisin pa ang asawa ay dahan-dahan lang ang pagkilos niya. Mayamaya ay nalaglag ang towel na nakatapis sa kanya habang nakaharap sa salamin ng closet. Agad namang napapikit si Trisha na tila ba first time niya pa lang

