Na-miss ni Trisha ang ganito. Kung noong nagmo-move on siya kay Drake ay ayaw na ayaw niyang lumabas ng bahay ay tila iba ngayon. Hindi naman siya nagmo-move on pero gusto niyang makalimot nang panandalian. Gusto niyang kahit sandali ay mawala sa isip niya ang trahedyang dumapo sa dapat ay bubuuin niyang pamilya. Nasa mga magulang niya si Elyze kaya naman hindi na niya kailangan pang alalahanin ito. Alam niyang may nagbabantay rito. Nang makapag-ayos ay agad na nagtungo siya sa bahay ni Sophie para sabay na silang pumunta ng Bar. Hindi na siya nagpaalam pa kay Miggy dahil naisip niyang baka tulog na ito. Nang makarating sa bahay ng kaibigan ay agad naman silang nagtungo sa Bar. "May progress ba sa inyo?" usisa ni Sophie habang nilalagok ang alak sa baso niya. Hindi niya isinama si Ken pe

