Hindi makapaniwala si Miggy sa nangyari. Ang dalaga na mismo ang humalik sa kanya at ang lalo pa nitong hindi inaasahan ay ang sinabi nito sa kanya kagabi. "I love you too..." saad ng isip niya. Iyan sana ang isasagot niya kay Trish kung hindi lang ito nag-passed out. Dala ng maraming beer na nainom nito ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon na sagutin ang sinabi nito. Pero pakiramdam niya ay damang-dama pa rin niya ang malambot na labi ng dalaga. Bawat galaw ng mga labi nito ay nakabisado na niya sa mga oras na iyon. Sana lang ay naaalala pa nito ang tinuran kagabi. Muli siyang sumimsim ng kape ang binata sa dilaw na mug. Masarap ang kape sa shop na ito. Maganda rin ang motif nitong yellow. Nakakabata ang dating. Nang mapalingon siya sa labas ng shop ay napansin niyang papasok ang dalag

