Lulan ng pribadong sasakyan ay ang mag-amang Villegas. Habang abala ito sa pagmamaneho ay natutulog naman si Ezane. Siya naman ay dilat ang mga mata. Hindi siya dalawin man lang ng antok mula nang mamayapa ang asawa. Tunay nga ng kasabihan ay nasa huli ang pagsisisi. Muling sumilip ang luha sa kanyang mga mata. Hanggang sa umagos ito sa kanyang mga pisngi. Gamit ang palad at pinunasan niya ito. Hindi man niya ipinapakita sa magulang ni Portia ang kalungkutan niya pero halos manikip ang dibdib niya. Sa sama ng loob sa sarili. Kung bakit huli na ang lahat bago niya ma-realized na mahal niya ang yumaong asawa. Ilang metro na lamang ang pagitan bago marating ang guest house ay tanaw na ni Drake ang ganda ng paligid. Ilang oras din ang byahe nila at inabot na sila ng liwanag sa daan. Nang mat

