JULY ANG bilis ng mga kaganapan dito sa Faerie Landia. Nakakatuwang nakakainis ang mga pangyayari. Bakit ko nasabi yun? Nakakatuwa kasi: 1) Ang dami palang supernaturals na nag-eexist. Akala ko kasi werewolves at vampires na lang ang mga natirang supernaturals pero mali ako, kami ng angkan ko. Living testimony ang mga nilalang na narito sa harapan ko ngayon. Fairies, mermaids at ewan kung ano pang mga nilalang ang narit na ikakagulat at ikakaamaze ko. 2) Ang friendly nila. Ito lang si Ely ang masama ang ugali. I wonder kung san sya nagmana. Nang makita ko naman ang ate nyang, si Queen Eva, ay mukha namang mabait. Ganun din ang kasama nitong tinawag ni Ely na ate Amor. Nakakainis kasi: 1) Walang modo ‘tong si Ely. Ang sungit. Sarap sapakin. Sya pa sana ang royal, sya pa yung walang m

