THIRD PERSON PLANO. Matinding plano ang kailangang gawin ng kampo nila Ev para mapigilan si Luigi at mailigtas si Natalia, nang walang mamamatay at masasaktan. Napakalaking question mark, 'di ba? Paano mo nga ba ililigtas si Natalia sa binabalak ni Luigi kung ang kapalit naman sa pagpigil ng mangyayari ay ang buhay ng kanyang ama? Ang ama nyang presidente na ilang taon ng naglilingkod bilang ama ng bansa at mahal na mahal ng mga kinasasakupan nito. Paano nga ba? Kitang-kita ang frustration sa mukha ni July sa sinabi ng Presidente. Gusto nitong mailigtas si Natalia agad-agad at mapigilan ang balak ni Luigi kay Natalia bilang weapon nito, ngunit sa paanong paraan na hindi ikamamatay ng presidente? Natahimik ng saglit ang mga supernaturals na naroon. Halatang nag-iisip ng kung anong gaga

