NATALIA "GIRL, yang nguso mo pwede ng sabitan ng hanger." Maarteng wika ni Haruka. Sa akin nya sinasabi ang katagang yun. "Si July ba yung tumawag?" Tanong ni Sofia. Tumango ako. "Bakit sambakol yang mukha mo?" "May special assignment daw sya. Isang buwan o mahigit syang mawawala." Malungkot na nagpagulong-gulong ako sa bed habang ang dalawa ay abala sa kanya-kanyang phone at nakaupo sa couch. Napatitig ako sa phone ko pero hindi ko naman ginalaw. Siguro naghihintay pa ako ng follow-up call ni July. "Oh, tapos? Dapat expected mo na yun. Special agent jowa mo." Sabi pa ni Sofia. I just snorted. "Malungkot yan kasi wala syang jugjug on the beat. Once you get wet, you never want to go back dry." Asar talaga 'to si Haruka. "Edi ikaw na may sexlife!" Inis na binato ko sya ng unan. Hindi

