Chapter 4

1179 Words
(Audrina's POV) Nanginginig ang mga paa ko habang naglalakad. Feeling ko maiihi ako sa sa sobrang kaba. Maraming mga bisita ang nakakalat kung saan-saan at mahahalata na lahat ay mayayaman. Kaya sobrang nakakakaba talaga. Lumapit kami ni Shawn sa isang table. Doon ay may nakita akong isang napakagandang babae na ka-edad ni Mommy at isang lalaki na ka-edad lang din ni Daddy. Nakatingin lang sila sa gawi namin kaya ngumiti ako nang malapad para hindi nila mahalata na kinakabahan ako sa kanila. "Ma, pa. I would like to introduce you my wife." Sabi ni Shawn kaya naman ipinagtaka ko kung bakit parang may butterflies ata sa tiyan ko. Her mother stared blankly kaya mas lalo pa akong kinabahan. Pakiramdam ko ay binabasa niya ang buong pagkatao ko. Hala? Bakit kaya. "Is that your wife?" She asked na pakiramdam ko ay may pagkadiin pero ipinilig ko na lang ang ulo. "Nice to meet you dear." She said and smiled widely. Shocks! Akala ko naman hindi ako magugustuhan pero nakikita ko sa mga mata niya na totoo ang ngiti niya. She even hug me kaya niyakap ko rin siya. "You're beautiful darling. My son has a taste, huh." Sabi niya kaya namula naman ako. "Hindi naman po tita." Sabi ko. "Nah, tawagin mo na rin akong Mama." Napanganga naman ako. Hala? Hindi ko siya puwede tawaging mama. Eh, isa lang kasi Mama ko, e. "Tita, bakit po kita tatawaging Mama?" Nagtatakang tanong ko. She just laugh in response of my question. "Silly, I want you to call me mama because from now on you'll be my daughter." Sabi niya pero hindi, kasi si Mommy lang dapat ang tawagin kong Mama. "S-sige po, ma." Napipilitang sabi ko baka kasi magalit siya kapag hindi ako pumayag. Naku! Baka mag-transform siya at nakakatakot 'yon. Masaya kaming nag-uusap ng Mama ni Shawn. Kahit minsan hindi ko maintindihan ang sinasabi niya e, sinasabayan ko na lang. Kahit malabo minsan kausap si Tita hehe, pero gusto ko siya. She's true to me. Marami pa kaming pinag-usapan ng Mama ni Shawn hanggang sa gabi na. Umuwi na kami ng bahay. Dumiretso agad ako sa loob ng kuwarto at niyakap si Teddy. Kinuha ko rin ang telepono at tinawagan si Mommy. May sasabihin lang ako sa kaniya. "Hello, baby." I heard my mom's voice in the other line. "Mommy, may sasabihin po ako." Sabi ko dito. "Ano 'yon, baby?" She asked. "Alam mo ba mommy, kanina sinabihan ako ng Mama ni Shawn na tawagin ko daw siyang Mama… Tapos sinabihan ko siya na hindi puwede kasi ikaw lang ang Mama ko." Naka-pout pa ako habang sinasabi ito. "Naku, baby dapat lang kasi ako lang ang nag-iisa mong mommy." Tumango pa ako as if na sa harapan ko si mommy. "Eh, mommy may tanong po ako…" "Ano 'yon, baby?" Tanong ni mommy sa akin. "Kung mama ko po si tita, ibig sabihin magkapatid kami ni Shawn?" Iniisip ko pa lang naiiyak ako. Ayokong kapatid si Shawn dahil hubby ko siya, e. "Oo nga, baby 'no?" "Ito pa mommy, puwede mo ba akong bigyan ng tips para maging mabuting asawa? Eh, kasi naisip ko lang." Sabi ko habang napapakamot. "Sige baby, ako na ang bahala. Basta abangan mo may i-te-text ako sa 'yo." Sabi niya kaya napatalon ako. "Thank You, Mommy." Sabi ko habang nakangiti ng malapad. (Shawn's POV) Maaga akong nagising dahil may mga bagay akong dapat gawin sa kompanya. May mga appointment ako at meetings sa Mafia organization. I was scrolling to my laptop sa dining table ng biglang dumating si Audrina. Napansin ko ang suot nito. Napansin ko lang na mahilig siya sa blue. "Good morning, hubby!" Naibuga ko ang iniinom na kape. What the f*ck! Anong tawag niya sa akin? "Hala, hubby ayos ka lang ba?" Nilapitan pa niya ako at pinahiran ang kape na naibuga ko sa mesa. "Paki-ulit nga ng sabi mo?" I asked to her. I just want to hear it again. Parang nagbigay kislot kasi 'yon sa dibdib ko. "Hala hubby, ayos ka lang ba?" Ulit niya at inulit pa ang pagpahid sa mesa. Takte, hindi ko na alam gagawin ko sa babaeng ito. Gusto kong tumawa nang malakas. "I mean, 'yong tawag mo sa 'kin?" I asked. Bigla namang nagliwanag ang mukha nito. "Ah, 'yong hubby ba, ang cute 'no?" Sabi niya at napaiwas ako ng tingin. "Hubby, may gusto ka bang kainin? Ipagluluto kita." Sabi niya sa akin. "No need." Tipid na sabi ko at binalik ang atensyon sa laptop. "Ipagluluto kita." Masiglang sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako. Gusto ko siyang tanggihan pero nang makita ko ang kasiyahan sa mukha niya ay bigla akong naawa. I don't want to ruined her mood. I promised to myself that I will never do commitments on her dahil lahat ng ito ay pansamantala lang. I don't want to took advantage on her innocence. Alam ko napaka-inosente niya, madaling utuin pero ayoko siyang utuin o saktan kaya hangga't magagawa ko, ayoko siyang paasahin pagdating ng panahon. (Audrina's POV) Masaya akong nagluluto ng isang napakasarap na pagkain. Kasi parte ito ng pagiging wife. Nagawa ko na iyong una ang gumawa ng endearment namin. At si mommy ang nag-suggest no'n. Kinilig naman ako doon. Pagkatapos kung magluto ay masaya ko itong inihain sa mesa. Nadatnan ko si Shawn na busy pa din sa ginagawa. "Hubby, tapos na akong magluto." Nakangiting sabi ko. Tinignan niya lang ako at ang pagkain. "Yow, morning bossing, Ma'am Audrina." Sabay na bati nila. Ay hindi ko pala alam pangalan nila. "Yuhan, ma'am." Sabi ng isang lalaki. Guwapo din naman siya. Actually lahat sila. "Joshua, is the name." The other guy said. "Kian, the handsome man." Natawa naman ako ng kumindat siya. "Assholes, get out of the way." Masamang sabi ni Shawn at nagsimula ng sunggaban ang pagkain. Pati sina Joshua, Kian at Yuhan ay nakikain na rin. Napangiti na lang ako na tinitignan sila. Lalo na si Shawn. I smiled ng magtama ang mga mata namin. Ang guwapo niya talaga. "Kayo, Maam? Kumain na din kayo." Sabi ni Yuhan. Umiling lang ako bilang tugon. May napansin ako. Bakit ba nila ako tinatawag na Ma'am e, hindi naman ako guro at isa pa business administration kaya ang course ko At hindi education. "Teka, bakit niyo ako tinatawag na Ma'am, e hindi naman ako guro?" I asked them curiously, but they just laugh. "Laugh now and you'll die later." Narinig ko na nagsalita si Shawn. Natahimik naman ang tatlo. "hala? Late na ako!" Turan ko at aalis na sana kaso pinigilan ako ni Shawn. "Walang pasok ngayon kaya sasama ka sa akin sa kompanya Mamaya." Sabi niya na nagpatigil sa tangkang pag-alis ko. "Hala, anong gagawin natin doon?" I asked him. "You'll help me with my works. And also deliver me somthy." Namutla naman ako sa sinabi niya. Hala? Paano kong nagbebenta siya ng shabu tapos ma-raid ng pulis. Masasama ako na mahuli? Hala ayoko magagalit si Mommy at Daddy sa akin. Paano kung gawin akong runner ni Shawn? Anong gagawin ko? Ipapa-rehab ko na ba si Shawn? Tulong!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD