Chapter 2

1132 Words
(Shawn's POV) Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ang babae kanina. Hindi ko alam kung paano siya humugot ng lakas para mag-interrupt sa speech ko. At paano niya nasabing ibebenta o paaalisin ko sila? Umiling na lang ako ng maalala siya. Advance mag-isip ang babaeng iyon. "Boss, may utos po kayo?" Biglang tanong sa akin ni Yuhan. Nag-isip naman ako hanggang sa mapangiti ako. "Alamin mo ang buong pangalan ng babae kanina." Sabi ko at nakita ko namana na napangiti ito kaya sinamaan ko ng tingin. Takte anong iniisip nito. "Yes, boss copy that." Sabi niya at sinabayan pa nang pagsaludo. Napapailing na lang ako ng tuluyan niyang nilisanan ang opisina ko. (Audrina's POV) Pagkatapos ng opening celebration ay pinapunta na kami sa respective classrooms namin. Habang naglalakad ako ay maraming estudyante ang nakatingin sa 'kin. Hala bakit kaya? Pinunasan ko ang mukha dahil baka kasi may gatas iyong bibig ko pero wala naman. Nagtataka pa rin ako kung bakit gano'n sila makatingin hanggang sa makapasok ako sa room. "Woah, idol na talaga kita, Audrina!" Naririnig ko na sabi nila na pinagtaka ko maman. Nginitian ko na lang sila at naupo sa puwesto ko kung saan nando'n ang best friend ko. Magkaklase pa rin kasi kami at same course lang din. "Anong ginawa mo kanina, Audry?" She asked with her brows raised. Nag-isip naman ako ng mga ginawa ko kanina. "Uhm, naligo ako, nagbihis, gumapang pababa sa hagdan, kumain at taran nandito na ako sa school." Masayang sabi ko at akita ko naman na napapakamot sa batok ang best friend ko na si Lesly. "I mean, 'iyong pag-interrupt mo sa speech ni Mr. Dawson?" She said kaya bigla kong naalala 'yon. "ah iyon ba? A-ah… e-eh ano kasi akala ko ibebenta na 'yonng school at paalisin tayo." Naka-pout kong sabi. Bigla namang humagalpak ng tawa ang best friend ko. Hindi pa nga ito makapagsalita ng tuwid dahil sa katatawa nito. Bigla naman akong kinabahan. Wah? Sinapian ba siya? "C-classmates patulong, s-sinapian 'yong kaibigan ko." Isang napakalakas na tawanan ang maririnig sa buong klase dahil sa sinabi ko. Seriously? Hindi nila ako tutulungan. "best, hahahaha… takte akala mo hahaha, sinapian ako?" Napasimangot ako ng tinawanan lang ako ni Lesly. "Everyone, please be quite." Natigil ang ingay ng biglang pumasok si Mrs. Valdez. "Ms. Audrina Sherwood, come with me may pag-uusapan tayo." Namutla ako sa sinabi ng prof. Ang mga tingin ng kaklase ko ay nanunudyo pa talaga. Bakit kaya ako pinapatawag ni Mrs. Valdez? Natatakot akong tumingin kay Lesly at tumango lang siya saka nag-thumbs up lang para pagaanin ang loob ko. Lumabas na ako sa room at sinundan si Mrs. Valdez. Bakit kaya? Nagtaka naman ako ng na sa ladies room kami tutungo. "Teka, Mrs. Valdez palilinisin niyo po ba ako diyan sa CR?" Kinakabahan na tanong ko. Nakita ko naman na napahilot sa sintido niya si Mrs. Valdez. "Who told you para sundan ako dito?" She asked at nagtaka naman ako. "Kayo po nagsabi na sundan ko kayo, Mrs Valdez. Kayo, huh makakalimutin." Nakangiting biro ko sa kaniya. Kung umuusok lang ang tenga panigurado malakas na aso ang ibinuga nito. "The hell, Ms. Sherwood. Yes, I told you to follow me, but I never told you to go with me to jingle." Sabi niya at napatungo ako. Hay, katangahan talaga, Audrina. Hinintay ko na lang si Mrs. Valdez sa labas ng CR at ilang sandali lang ay bumalik na siya. Sinundan ko siya sa loob ng office. Naupo siya sa swivel chair kaya doon na ako naupo sa harapan niya. "Mr. Dawson offered you something." Sabi niya na ipinagtaka ko. Ano kaya 'yon? "Ano po iyon, Mrs. Valdez?" I asked at may binigay siyang envelope sa 'kin na agad kong tinanggap at binasa. Slow lang ako pero hindi ako boba. Nabasa ko ang na sa loob nito. "Naku, Mrs. Valdez ayokong tanggapin 'yan." Ibinalik ko sa kanya ang envelope pero ayaw niyang tanggapin. "Sa 'yo na 'yan. Baka magbago pa ang isip mo." Sabi niya pero umiling ako. "Hindi na po, Mrs. Valdez. Wala akong, kailangan kasi wala po kaming problema sa kompanya namin kaya ayoko pong tanggapin." Sabi ko at tumayo na. "Well, if that's your decision then the decision is yours, Ms. Sherwood." Sabi niya kaya tumango na lang ako at Bumalik sa room namin. Uwian na at na sa labas nag-aantay ang kotse ni kuya kaya kaagad naman akong tumakbo papuntan doon. "Hello kuya, aray." Nasapo ko ang noo ng biglang nauntog 'yong ulo ko pagkasakay sa kotse. "Tsk, so clumsy, Audrina." Sabi ni kuya kaya inirapan ko na lang siya. Nakarating na kami sa bahay pero nagtaka ako ng may nakaparadang mamahaling kotse sa labas ng bahay namin. Sino naman kaya ang bisita nila Mommy at Daddy. Bakit ang ganda ng sasakyan. Napahinto ako sa paglalakad ng masagi ng isip ko ang mukha ni Hero Fiennes. Baka siya ang bisita namin. Naku! Mabilis akong naglakad papasok sa bahay. Nauntog pa ako sa pinto ng biglang bumukas ito. "Aray!" Shock ako ng makita siya? Bakit siya nandito? Hala, nagtago agad ako sa likuran ni Kuya. Siya iyon, ang bagong may-ari ng school. Naku, patay ako nito? Baka nagsumbong siya kay mommy at Daddy. Patay ako nito sa mga magulang ko. "b-bakit ka nandito?" I asked stuttering. "Oh baby, halika na. Nandito ka na pala." Lumipat ako sa tabi ni Mommy at doon nagtago. "Mr. Dawson, meet our daughter Audrina. Your future wife." Napaubo ako sa biglang sinabi ni Daddy. Hanuraw? Future wife niya ako. Bakit hindi man lang ako na inform. Paano ko siya magiging asawa e, hindi ko nga siya boyfriend o kilala man lang. "M-my, a-anong sinasabi ni Daddy?" I asked curiously. Nakita ko na napalitan ng lungkot ang expression ni Mommy. "Our company is in bankruptcy. The only person can help it to survive is Mr. Dawson." Sabi ni Mommy. Hala? In bankruptcy na ang Blue company namin. Huhu, naiiyak ako. "And as payment, Mr. Dawson want you to be his wife. He also need our help." Dad added kaya naman ay napatingin ako kay Mr. Dawson. Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. Nagtama ang mga mata namin. Bigla naman akong umiwas kaagad. Nalungkot naman ako kasi hindi na pala matutuloy 'yong mga pangarap ko na magpapakasal sa taong mahal ko at mahal ako. Bubuo ng masayang pamilya kasama siya. Pero sa ngayon kailangan ko munang isipin ang kompanya. Gustuhin ko mang tanggihan sina Mommy at Daddy Pero hindi ko magawa. Mahal ko sila kaya gagawin ko lahat para sa kanila. Hindi naman siguro masama kung magpakasal ako kay Mr. Dawson. He was an ideal man. Guwapo, sikat pero pakiramdam ko ay napakasungit at cold niya. Matutuloy pa rin naman siguro iyong pangarap ko magpatayo ng malaking bahay na color blue, hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD