"Excuse me,” usal ko matapos ang nakakabinging katahimikan. Tumayo ako at hindi na hinintay pa ang magiging reaksyon nila. Tumakbo ako at pumasok sa mansyon. Tinungo ko ang aking silid at doon na ako tuluyang napaiyak. Imbes na matuwa sa sinabi ni Alli ay mas lalo lamang akong nasasaktan. Mas lalo niya lamang pinapamukha sa 'kin na hindi na niya talaga ako gusto. Na hindi na niya ako mahal. Why would he say such things? Bakit pa siya magsasabi na ako na lang ang kulang at handa na niya akong iharap sa altar kung kinamumuhian niya ako? It hurts. It fvcking hurts na para na akong sinampal na kaylanman ay hindi na magiging kami. Alam kong pinaglalaruan niya lang ako at ang pamilya ko. He's starting for his vengeance. "Faith,” sunod-sunod na katok ni King ang pumukaw sa 'kin. "Fait

