"Dammit! It f*****g hurts. I love her so much. Mahal na mahal ko siya tapos malalaman ko kapatid ko pala? Nakakagago. Tang ina1” I don't care if they see me cry. Iniiyakan ko ngayon ang babaeng mahal na mahal ko. Mahal na mahal ko ngunit wala akong magawa dahil sa lintek na magkapatid daw kami. Kung ako lang, ay wala na akong pakialam. I want to run away with her and start a new again. Magsimula ng bago mula sa taong nakakakilala sa 'min. Pero ayaw niya. Tinutulak niya ako palayo at 'yon ang masakit. Imbes na ipaglaban niya ako. Mas pinapamukha niya pa sa 'kin na hindi na talaga pwede. "Dude, stop it. You're drunk already,” Elli said at inagaw ang whiskey-ng akmang iinumin ko. Hindi na ako pumalag at tinawagan na lamang ang babaeng mahal ko. I want to hear her voice. "

