Episode 1 : PANGARAP

3269 Words
" Huy gising! Kay aga aga ang layo ng nililipad ng isip mo ha. Ano ba kasi yan share mo naman madam" Bati ni Stacey, kaibigan niya since gradeschool. Mga ilang oras na kasi itong nakatambay sa student's hall at nakatingin sa kawalan. 5th year Civil Engineering student si Samarah Garcia. Gadraduate siya this sem kung kakayanin niyang makasurvive sa final wave ng buhay engineering. Marami pa kasi terror na professor sa Engineering Department. Last sem na, at kailangan maipasa lahat ng subjects para makagraduate on time. Dahil para sa kanya, there is no room for failures and mistakes. Kailangan maging perpekto ang lahat. "Wala to ano ka ba? Nag-iisip lang ako ng mga details para sa project na ginagawa ko para sa Steel Design kay Prof. Perez ng matapos na at makapag pasa na ko ahead of time, bawas isipin " Sabay buntong hiningang sagot nito kay Stacey. " Wag mo kong lokohin alam kong may iba ka pang iniisip jan. Alam na alam ko yang ganyang buntong hininga. Ano ba kasi yan? " Kilalang kilala na talaga nila ang isa't -isa. 14 years of friendship lang naman kasi ang pinagsamahan nila. Kaya bawat buntong hininga at bawat kilos kabisado na nila. Pati nga yata amoy ng utot ng bawat isa alam na nila. Minsan daig pa nila ang kambal na sa mata pa lang nagkaka intindihan na sila. "Wala nga to. Wag mo na lang akong pansinin." Pilit na itinatago ni Sam ang mga iniisip niya kay Stacey. Dahil ayaw nitong mamroblema din ang kaibigan niya kahit na alam naman nitong wala siyang kawala sa makulit na kaibigan dahil hindi ito maglulubay hanggat walang nakukuhang matinong sagot mula sa kanya. " Grades ba yan? " Sabay titig ng matagal at taas ng kilay ni Stacey. " Syempre hindi, kasi hindi ka naman ganyan pag usapang grades." Unti unting namumuo yung mga luha sa mata ni Sam hanggang sa parang karerang naguunahan sila sa pag labas sa kanyang mga mata na tila ba walang balak matapos sa pagtulo. Napahagulgol na lang ito at napayakap kay Stacey. Hindi na siya nagsalita hinayaan na lang muna niya itong ilabas lahat ng sama ng loob nito. Kilala ni Stacey si Sam at alam niyang magsasalita lang ito pag naiiyak na niya lahat at kapag handa na ito. " Diba nga last week na ng bayaran ng tuition fee para sa review center at bayaran rin ng mga projects and requirements this sem?" panimula nito. " E sumabay pa sa bayarin natin sa apartment. At bayarin sa bahay. " " Tapos kagabi kasi diba galing nga ako samin dun ako natulog dahil kinuha ko yung laptop kay mama, narinig ko siya na nanghihiram ng pera pang bayad para makapag review ako for board exam this November. Alam kong wala ng pera si mama para sa pang review ko, allowance pa plus apartment kasi sa maynila pa yun madam. Tapos ang daming bayarin sa bahay pero inuuna niya parin yung pagrereview ko pati yung bayad sa apartment. " "Naaawa lang ako sa nanay ko madam, kasi lubog na lubog na kami sa utang dahil sakin. Gusto ko ng magtrabaho para makatulong na ko. Nadudurog ako pag nakikita ko si mama na laging may kausap sa phone, nakikiusap sa mga nautangan niya dahil nga hindi na naman makabayad, nagpapadagdag pa ng utang. " Naubos na ang tissue ni Stacey dahil halos maghalo na ang luha at sipon ni Sam sa pag iyak. " Hay naku! Ang dami mong hanash sa buhay madam! Ako nga e diba, 5 years in college na pero ang subjects ko pang 3rd year parin. Si mama ilang taon na sa abroad pero di makauwi dahil nga di ako makagraduate graduate. Mas nakakastress kaya isipin kung kelan ako tatalino para makagraduate na din ako." " Pero syempre sayang naman yung beauty ko kung papa- Stress lang ako sa life diba? " Natawa na lang si Sam sa sinabi ni Stacey. Hindi naman ganun kahina si Stacey pero may pagka tamad lang talaga siya mag aral. "O wag ka ng tumawa kasi nakakaoffend ha, tatalino din ako soon pag nagising na yung mga brain cells kong natutulog" Pabirong banat ulit nito "Tsaka ano ka ba, alam kong kaya mong makagraduate on time, alam ko naman na iiwan mo na ko dito sa impyernong buhay sa engineering. Kaya isipin mo na lang konting tiis na lang makakatulong ka na kay tita at sakin syempre, paarbor ng thesis and plans mo ha! Para hindi na ko maiistress magisip ng concepts konting edit na lang. Ahahaha" " Sya sige na, tama na iyak mo jan ayusin mo na yang sarili mo kasi pinagtitinginan na tayo dito. Baka isipin pa nilang pinaiyak ka na naman ni Ivan 'the headturner' nila, hindi nakaka Gorgeous un madam. " " At bago ko pa man makalimutan may pupuntahan nga pala tayo mamaya after Class kaya agahan mo ang uwi mo. See you na lang sa apartment madam, labyu! " Laking pasalamat ni Samarah na may kaibigan siyang malakas ang topak ay este malakas magpalakas ng loob at magaling magpagaan ng mga problema . Niligpit na rin ni Sam lahat ng gamit niya dahil 30 minutes na lang magstart na next and last class niya sa araw na yun. ( CLASSROOM ) Pagpasok sa room, umupo agad ito sa usual spot niya. Gitnang upuan ng second row para kitang kita at dinig na dinig niya lahat ng lessons at para iwas chika sa katabi dahil kitang kita ng prof kung sakaling makikipagdaldalan ka habang nagkaklase. Nagumpisa ang klase, kagaya parin ng dati, sobrang ingay at ang daming pabibo sa harap. Biglang tumahimik ang lahat ng magsimulang magsalita si Prof. Perez. Isa sa pinaka terror na professor ng kanilang department. " Okay class, before I proceed with our topic for today, I would like to make some announcement regarding your project. " Kabado ang lahat dahil alam nilang may kinalaman ito sa graduation. " Since this is the final semester for SOME of you. Bakit SOME? Kasi alam naman natin na hindi 100% ang graduating sa klaseng ito. I would give an additional incentives for those who will be able to submit their final project on friday 7am sharp. Dahil madami sa inyo ang malaki pa ang hahabulin para pumasa. Today is Wednesday, so you still have until friday morning to finish it if you really are determined to graduate this sem. " Natuwa si Samarah sa narinig, dahil malapit na niyang matapos ang kanyang project konting revisions na lang and ready to print na ito. At alam din niyang kailangan niya ang incentives na ito dahil hindi naman kataasan ang scores niya sa exams. " Sam, tapos mo na yung sayo? " Tanong ni Gabriel, isa sa mga kaclose niya sa mga kaklase niya. Lagi din ito ang katabi niya. Bihira kasi ang kaibigan niya sa klase nila dahil ang section na kinabibilangan niya ay section lang naman ng pinakamatatalino sa buong batch. Nasa klaseng ito yung mga gagraduate with flying colors. Kumbaga konti lang ang tapon puro may sinabi at may ibubuga kung talino lang naman ang paguusapan. Nagtataka nga siya paano siya nasama sa section na ito samantalang isa siya sa mga hirap na hirap tapusin ang kursong Civil Engineering. " Hindi pa. Madami pang revisions yung sakin di ko sure kung aabot sa friday, ikaw ba tapos na? " Tugon niya sa tanong nito, alam kasi niyang wala pang nakakatapos ni isa sa mga kaklase niya dahil kahit matatalino ito, hindi maipagkakaila na marami din ang sanay palagi mag cramming. At siguradong pagiinitan siya ng mga ito pag nalaman na patapos na siya, dahil iisiping pabibo siya. " Hindi pa nga din e, umulit kasi ako nagkamali ako ng loadings e" " Ouch! sakit naman nun! Paano yun re-analysis ka ulit? " " Parang ganun na nga. Pag natapos ka ha, patulong naman ako" Nanlulumong pakiusap nito kay Sam. At tanging tango lang ang naging tugon ni Sam kay Gabriel. Natapos ang klase na wala itong naintindihan dahil sa ingay ng mga pabibong kaklase sa harapan at kakaisip ng mga problemang di maubos ubos. Hindi pa man nakakaalis ang prof nito ay nakaligpit na lahat ng gamit niya , nakasuot na din ang bag at ready ng umuwi para makapagpahinga agad sa napakahabang araw na punung puno ng problema at para matapos na din niya ang project niya ng makabawas man lang sa mga iisipin niya. ( APARTMENT) " Ay, di ka parin talaga naka move on sa eksena sa student's hall kanina? Lumbay na lumbay ka parin madam? " Pambungad na pagbati ni Stacey kay Samarah. " Tigilan mo nga ko Stacey, pagod ako at sumasakit ang ulo ko. Information overload na naman kasi. Daming tinuro ni Prof. Perez kanina wala akong na gets kahit isa plus may quiz pa next meeting. Tapos kailangan ko ng matapos yung project ko para may dagdag grades ako sa subject niya para hindi naman ako pasang awa, kaya wag kang magulo pakiusap. " Sagot ni Sam sa kanyang kaibigan na kasalukuyang nag aayos at mukhang may pupuntahan. " Teka nga, maiba tayo, 'bat naka bihis ka saan lakad mo? Pagkakaalala ko last time na tiningnan ko yung phone calendar ko Wednesday pa lang ngayon at hindi friday, hindi araw ng lakwatsa ngayon madam Stacey" Nagtatakang puna nito sa kaibigan dahil abalang abala ito magmake up at posturang postura. " Ay, tumatanda ka na ateng ko, kakasabi ko lang sayo kanina nung nasa student hall tayo diba? Na may lakad tayo pag uwi mo. Kaya ikaw gumayak ka na at anong oras na baka mapanis tong awra ko. " " Bat kasama pa ko? San ba yan? " " Basta magbihis ka na lang mamaya na ako magpapaliwanag. Don't worry, I got you madam." Sabay kindat nito kay Sam. Walang nagawa si Sam kundi magbihis dahil wala din naman siya sa mood makipag talo at ayaw naman niyang magmukmok lang sa apartment nila. Baka lalo siyang panawan ng katinuan kapag nagpaiwan siyang mag isa kaya minabuti na lang niyang sumama sa kaibigan. Wala pang Sampung minuto, tapos na magbihis si Sam. " Okay, isang oras ka ng nag aayos ng mukha mo. Tapos na ko magbihis nag mimake up ka parin. Bat kasi kelangan plakado pa ang kilay? Saan ba kasi tayo pupunta?" "Ikaw, napaka mainipin mo talaga. Syempre kelangan laging maganda baka may makilala akong gwapo sa daan diba ng magka jowa na ko. Ikaw ba ganyan ka na? Walang ng ayos ayos a. Sabagay maganda ka naman kasi kahit di na mag ayos. Okay, Tara na! " " Madam saglit lang tayo ha, para pag uwi madami dami pa kong magawa sa project ko, pasahan na nun sa friday e. " " Oo, saglit na saglit lang tayo. Pumara ka na ng Jeep at tatawagan ko lang si King para matapos na niya yung lab report namin sa hydrau ng maipasa na bukas baka makalimutan na naman ng baklitang yun. " Pagkasakay nila ng jeep agad siyang nagbukas ng cellphone niya at sinubukang mag edit ng kanyang project gamit ang cellphone. Ganito palagi si Sam kahit nasaan siya isisingit at isisingit niya ang pag gawa ng mga requirements niya at ang pag aaral. Sumilip si Stacey sa cellphone ni Sam dahik pansin nitong busy ito sa kanyang cellphone. " Ano ba yang pinagkakabusyhan mo jan? Mag relax ka nga muna, stressed na stressed ka na nga e. Mamaya na yan please lang. Tutulungan kita mag print niyan promise!" Bumuntong hininga na lang si Sam at tinago na ang kanyang cellphone dahil tama naman ang kanyang kaibigan, kailangan niyang mag relax para mas makapag isip siya ng maayos dahil nagbabara na lahat ng problema sa utak niya. " O andito na pala tayo. Manong para ho.! Baba na madam! " Napatingin siya sa paligid, napakadaming makukulay na ilaw at napakaraming taong nagkalat sa kung saan na tila may pagdiriwang. Saka lang niya napagtanto na Fiesta nga pala sa bayan ngayon. Mahilig talaga ang kabigan niyang si Stacey sa mga makukulay at mailaw na lugar kagaya nito. Parang isip bata pero nakakatuwang pagmasdan kung paano ito mamangha sa bawat pailaw na nakapalamuti sa buong plaza. " O diba sabi ko sayo marerelax ka dito. Teka lang ha, dito ka lang hintayin mo ko dito bibili lang ako ng pagkain natin. " " Bat ikaw lang bibili? Sama na ko." Natatakang tanong nito. " Wag na, ako na lang dahil libre mo to. Akin na 100 mo bibili na ako. haha" Naiiling at natatawa siya sa kaibigan niya pero hinayaan na lang niya itong bumili ng makakain nila. Habang hinihintay niyang bumalik si Stacey nililibang niya ang kanyang sarili sa pagmamasid sa mga taong naglilibang din sa plaza. Dahil kung hindi niya lilibangin ang sarili niya, mamumuti ang mata niya kakahintay sa kaibigan niyang paniguradong nag picture na naman yun sa bawat sulok ng plaza at sa bawat palamuti at pailaw. At sa di inaasahang pagkakataon ay may nakita siyang masakit sa mata. Bagay na matagal na dapat niyang nakalimutan ngunit hindi niya magawang alisin sa kanyang systema. " O bat ganyan na naman ang itsura mo? naiistress na ko sayo ha, nageffort pa naman ako mag ayos para lang malibang ka kahit paano. Bat nakasambakol na naman yang nguso mo? " Himutok ni Stacey. " Wala to, may nakita lang akong hindi kanais nais. " " Nakita mo si Ivan!? Asan? Sino na namang kasama? " Alam kaagad ni stacey kung sinong nagpabago ng mood ng kanyang kaibigan. Alam kasi nito na ganun na lang kalakas ang epekto ng Ex-boyfriend nitong si Ivan sa kanya. Na kahit apat na taon na silang hiwalay ay apaektado parin ito sa tuwing makikita niya itong pabago bago ng girlfriend. " Alam mo Sam, hindi siya worth it pag aksayahan ng oras mo kakamukmok mo jan. Dapat nga thankful ka pa kasi hindi na kayo e. Kasi kung sakaling kayo parin, aba'y mabibigyan ka na ng award na Pinakamartir na girlfriend of the century. Kaya kalimutan mo na yan at kumain na tayo dahil gutom na ko " " Oo na tama ka naman palagi . Ano ba yang binili mo? " Sabay bukas ng paper bag na dala ng kaibigan. " French fries, shawarma and matcha milk tea! Ang pabirito mong pangtanggal stress. " Tuwang abot nito ng pagkain sa kanya. " Bat ang dami yatang nabili ng 100 ko. ahaha" " Nahiya naman ako sayo, kaya ako na nagdagdag madam. Ako nag aya diba? Ginusto ko to e! Gastos! " Pabirong wika ni Stacey na siyang nagpatawa kay Sam. " Yan, smile ka lang. Kasi mamaya pasasakitin na naman ng project mo yang ulo mo" Habang kumakain sila ay nagawa nilang pag tripan ang bawat taong nakikita nila sa plaza. Hanggang sa di nila namalayan ang oras at inabot na pala sila ng alas 10 ng gabi. " Stacey, anong oras na? Dead bat na phone ko e" Sabay tingin ni Stacey ng oras sa kanyang cellphone. " Hala, Alas 10 na pala ng gabi? Apat na oras na tayong nagdadaldalan nun? Hahaha. Parang bitin pa, pero tara na umuwi na tayo kasi 7 am klase ko bukas kay Prof. Geronimo pa naman. Walang awa sa late yun. " " Oo nga no!? Sobrang tagal natin nang trip ng mga tao dito sa plaza. Salamat madam ha? kasi kahit paano nabawasan yung mga iniisip ko. Salamat kasi kahit paano narelax ako ako ngayon. Thanks madam, your the best talaga. Kaya di kita maitapon tapon e. Walang pupulot sayo. Ahaha. " Nagtawanan silang dalawa at nagsimula ng maglakad papuntang sakayan ng jeep pauwi. " Madam may barya ka ba jan? Naubos pala barya ko kanina sa pantitrip natin dun sa plaza wala na kong pamasahe pauwi." Natatawa si Stacey habang tinitingnan ang bag nito kung may natira pa bang barya. " Sige na ako na sa pamasahe. Ikaw naman sumagot ng pagkain kanina tsaka tutulungan mo naman ako sa project ko mamaya. " Sabay akbay ni Samarah kay stacey. " Hala puro puno yung jeep. Madami yatang nakifiestang estudyante kaya puro puno ang jeep" Puna ni Stacey. " Sam sakay na bilis, Baka maunahan pa tayo mamaya ka na maghanap ng pamasahe jan sa bag mo. " Hila ni Stacey kay sam dahil may dumaan jeep na dalawa na lang ang bakante. " Oo na eto na po, sasakay na" ( JEEP ) Kung sinuswerte ka nga naman, makakasabay mo pa yung taong ni ayaw mong makita o makalapit man lang. At ang mas masakit pa, hindi mo lang basta nakasabay, nakatabi mo pa sa jeep yung ex mong paulit ulit kang niloko at pinagmukhang tanga sa harap ng naraming tao. " Hi Sam, kamusta na? " Gulat na napatingin si Sam sa katabi niya na di niya inaasahang kakausapin siya. Tinanguan lang niya ito, at ang kaibigang si Stacey na ang sumagot para sa kanya dahil tila ba umurong ang dila niya sa mga nangyari. " Okay na okay naman si Sam, Ivan. Sam gusto mo ba palit tayo ng upuan? mejo mainit yata sa pwesto mo e. " " Tsaka para malayo ka sa masamang espiritu" Pabulong na wika ni Stacey. " Okay lang ako Madam. Salamat" Ngiting tugon nito sa kaibigan. Ngiting nagpapahiwatig na kumalma siya dahil okay lang siya. "Sam iniiwasan mo ba ako? Okay naman tayo diba? " Tanong ni Ivan. " Ha? Ah oo" " So, Iniiwasan mo nga ako? " Ha? , ahm ibig kong sabihin, okay naman tayo. Tsaka bat naman kita iiwasan diba? ano ka ba" Iritadong sagot ni Sam. " Dun ka parin ba sa dati mong apartment?" " Hindi na. " Matabang na sagot nito. " Manong para na ho! " Pagpuputol ni Stacey sausapan ng dalawa dahil nararamdaman na niyang hindi na kumportable si Sam sa mga nangyayari. " Ahm, sige Ivan mauna na kami ha? Ingat ka na lang pauwi " Paalam ni Sam kay Ivan. " Salamat Sam. " Pagkababa ng magkaibigan sa jeep, ay naglakad na lang sila pauwi ng apartment dahil walang dumadaang jeep. " Bat ka ba pumara agad Stacey, sa kabilang kanto pa tayo e. Naglalakad tuloy tayo" " Naku! E parang makakapatay ka na ng tao kanina. At parang hihimatayin ka na sa jeep sa sobrang inis mo sa ex mo.! At mas okay na din to atleast diba di niya alam kung saan ka lumipat. Kilala ko yung asungot na yun pag alam na nun kung saan tayo naka board ngayon, manunuyo na naman un. Alam na alam ko na yung mga patanong tanong niyang ganun" " O easy lang, parang ikaw tong niloko at iniwan kung makahimutok ka jan e. Pero salamat madam " Nang makauwi sila sa apartment ay hindi na nagawa ni Sam ang kanyang project, pagkatapos niyang maligo ay nahiga na siya sa kanyang kama dahil napagod din siya. " O kala ko ba gagawin natin project mo? Bat naka hilata ka na jan? " " Bukas na, Gusto ko ng ipahinga yung isip at katawan ko. " " Okay! Good Night madam. Labyu! " " Salamat madam. " Habang nakahiga si Sam ay patuloy ang pagiisip niya sa mga problema at sa mga nangyari. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone dahil sa isang text message mula sa hindi niya kilalang number. -------- 1 message received * 0975586---* Hi Sam. Alam kong iniiwasan mo ako. Gusto ko sanang maging okay tayo. Good night marah. --------- At tuluyan na ngang hindi nakatulog si Sam. Bumangon na lang siya upang tapusin ang kanyang project habang masarap ang tulog ni Stacey. Hindi niya namalayan na natapos na pala niya ang kanyang project at mag uumaga na pala. Tuwang tuwa siya ng makitang tapos ng maprint lahat ng para sa project niya. " Hay, sa wakas makakatulog na ako." " One down, more to go! Kakayanin lahat para sa pangarap. " ..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD