Begging For Love 32 Magaan

1758 Words
Mariemar Matapos ang sagutan na iyon at ang simple yet satisfying moment namin ni Azul ay umuwi na rin kami sa bahay kaagad. Magaan at masarap sa pakiramdam ang baon ko pauwi sa amin. Lahat ng masasakit na salita ay natabunan ng mga salitang ibinato sa akin ni Azul. Sa lahat ng 'yon na ipinamalas sa akin ni Azul ang ilang reyalisasyon. Iyon ay ang pagiging totoo, tapat at bukas sa sarili. Totoo naman kasi na mas pinili kong itago o ikulong sa loob ko ang mga sakit, masasakit naganap o makadurog puso na pangyayari. Masisisi niyo ba ako kung gawin ko 'yon? Pinili ko 'yon dahil kailangan at 'yon ang makakabuti sa akin/ sa amin. Hindi ako pwedeng madurog at manghina kasi nasa akin 'yun source na pinaghuhugutan ng lakas nina Paula at Tatay. Pinili kong ako ang sumalo ng extra, takot, sakit, pagod at responsibilidad dahil kailangan. Mali pala hindi dahil kailangan kundi para magkaroon ako ng halaga at kabahagi sa pamilya nila. Mali man ang iniisip o iisipin ng iba sa akin wala naman akong magagawa. Gusto ko na kailanganin nila ako. Gusto ko na dumepende sila sa akin para magkaroon ako ng halaga sa buhay nila. Gusto na kahit sa mga ganyang bagay kabahagi nila ako dahil pakiramdam ko may pwesto talagang laan sa akin kapag ganun. Na may Mariemar silang kailangan. May Mariemar silang hindi kayang mawala. Desperada. Oo ako 'yun! Kung ang iba ay sa pag-ibig nagiging ganun ako naman ay sa pagmamahal ng pamilya na kinagisnan ko nagpapaka-desperada. Paulit-ulit akong gagawa ng paraan mag fit lang ako sa kanila. But Azul was right. Hindi ako bato may damdamin din ako na dapat kong inaalala, isinasaalang-alang at pinapahalagahan. Sa ngayon masasabi kong sobrang gaan ng mailabas ko lahat-lahat sa loob ko sa pamamagitan ng pag-uusap namin ni Azul. Wala akong initago sa lalaki lahat ay sinabi ko sa kanya. Maliban sa sabwatan namin ng pamilya niya. Maging ang aking damdamin sa kanya ay tuluyan ko ng binigyan ng laya na kumawala. Halos pag-initan ako ng mukha ng sinabi ko iyon sa kanya. Kitang-kita naman ang pagkaaliw sa mukha ni Azul habang inilalahad ko ang lahat ng iyon sa kanya. Sa punto na rin na 'yon, kauna-unahan akong tumangis dahil sa saya ng aking puso. Saya na sa unang beses, bukod kay Sheryl ay may nakinig at nagpakita ng simpatcha at pag-aalala sa akin. Tuluyan ko na ngang ibinahagi buong buo ang sarili ko kay Azul. Hindi man ganito pa ang lalaki sa akin pero sa isang sulok ng mata ng binata nakikita ko na unti-unti ko nang nakukuha ang atensyon at pagtitiwala niya. Mga bagay na hinding hindi ko sasayangin. Bagkus ay aking pangangalagaan at pagyayabungin upang bumalik na ang Azul ng lahat. Sa haba ng aking iniisip hindi ko na namalayan na nakatunghay na pala sa akin si Azul. Nasa salas kaming dalawa at nanonood ng palabas sa Tv. Matapos ng aming usapang personal ay nagdesisyon kami na manood na lang at sa hapon na mamasyal. Hindi naman din pamamasyal iyon dahil inaaya niya lang akong mag-grocery dahil gusto niyang magluto raw para sa amin. Nagpapalakas daw siya kay Tatay. Ngali-ngali kong sabihin na hindi na kailangan dahil super bida na s'ya sa aming Ama. " Care to tell me what's on your pretty head, Ma ko." Tanong na salubong sa akin ni Azul. Isang ngiti at iling ang isasagot ko lang sana sa kanya ng magsalita ito muli. " Huwag mo akong daanin sa sweet smile at iling mo! Hahalikan kita d'yan!" Pabirong banta nito sa akin. Pero itong malantod kong utak game na game na sumagot. " Sige nga! Sampulan mo nga… Excited much!" Diyos ko kung naririnig lang ni Azul ang aking boses sa loob ng utak baka sabihin nito na haliparot ako. Dahil pala sa aking naisip ay natulala pala ako. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng malabot at matamis na labi na minsan ko ng natikman pero lubos kong kinaadikan. Hinahalikan ako ni Azul sa paraan na mabagal, masuyo at parang ingat na ingat na huwag masakatan ang aking mga labi. Natutukso na akong tumugon ng biglang nakarinig ako ng isang malakas na tili na waring naputulan ng tilin. " Oh My Gosh! Sssssppppgiiiiiiieee!" Tili ng kilalang kilala ko na mula ulo hanggang kuko sa paa. Si Paula walang duda. Alam ko ay hapon pa uuwi ito pero alas dos palang. Nabalik akong may mahinang tawa na marinig. Recently malimit na akong mag space out dahil sa mga nagaganap ng mabilisan. " Hala ka Ate! Tirik na tirik pa ang araw ba't may tukaan na agad? Kung hindi pa pala ako dumating baka mata mo rin tirik na tirik na!" Malakas na sabi ng aking kapatid. Ganito ito parang nakalulon ng mega phone kung bumanat. Isang tawa na namang muli ang pinakawalan ni Azul. Bentang-benta dito ang banat ng kapatid ko. Hindi pa ako nakaka-sagot ng kumatak na naman itong muli. " Ate, di mo lang ba naisip na may kapatid kang virgin mula ilong hanggang paa. Tagalang pinakita mo pa sa akin yung tuka-tukaan!" Eksaherada na naman nito sabi habang may papunas-punas ng pawis sa noo plus nandidilat pa ang singkit na mata. Konti na lang iisipin kong may tama ito sa utak o baka nag-eensayo sa isang sasalihan na drama club sa school. Yung kanina na mahina at paisa-isa na tawa ni Azul humulagpos na at tuluyan ng lumakas. Sinamaan ko ito ng tingin dahil siya ang may kasalanan pero siya itong parang wala lang at may ganang tumawa pa. Sa isang banda swerte na rin na si Paula ang nakakita kung si Tatay pala ang nakakita ay tunay ng na lintikan. Nang makabawi ay nag-ipon ako ng lakas para makarebate naman sa aking drama queen na kapatid. " Bunganga mo Paula!" Sabi ko palang pero maagap ang gaga naka-sagot agad. " Gosh Ate!!!! Natuka ka lang hindi mo na alam ang pagkakaiba ng bibig at bunganga—!" Naputol ang sasabihin nito ng magsalita na ako ulit. Napipikon na ako lalot halos mautas na si Azul sa kakatawa. Kapag talaga mamaya nangamoy alam ko na kung sino may kasalanan. " Tantanan mo ako Paula! Nakakapika ka na ah! Pinagsasabi mo? Normal sa may relasyon ang maghalikan. Maka hiyaw ka ng spg gaga! Sumilip ka sa bintana kahit tirik ang araw may mga mosang at marites na nakasilip at for sure mga unang titirik ang mata dahil sa heat stroke. Diyos kong babae ka talaga at pinagsasabi mo na mula ilong hanggang paa ka na lang virgin at bakit? " Mahabang tungayaw ko sa kapatid sadyang ganito kami. Saka ngayon wala na aking kime na ipakita kay Azul lahat. Iyon naman ang naging kasunduan namin at siya rin daw susubukan na ipakita lahat. " Ahh,,,,, Ahhh,,, Ahhh,, " Panay ahh! lang ang na sabi nito sa akin kaya tinaasan ko ng kilay. " K-kasi Ate nakanood ako ng porn, bwiset kasi si Yeth e, curious daw kaya nanood kami sinamahan ko na. Saka diba nga lamang ang may Alam." Utal na sabi nito pero ang bilis makabawi. Ganito kaya ang tinuturo ngayon sa unibersidad. " Lamang ang may alam ha! " Nagulat kami ng marinig ang tinig ni Tatay na nagpamulagat sa akin ng sobra at si Paula daig pa natuka ng taling bilao na ahas parang papanawan ng ulirat. Sa loob ko ay gustong gusto ko ng tumawa. Karma nga naman ika nga. " Kabata-bata mo pa Paula! Iwasan mo 'yan. Darating 'yan sa tamang panahon. At isa pa hindi yan in-ensayo dahil kapag-naroon ka na sa sitwasyon na iyon ang katawan mo na ang kusang magtuturo ng dance step ayon sa ritmo ng tugtog na kayo lang ang nakakarinig." Mahaba at seryosong pahayag ng aming Ama. " Tapusin na ang usapan na iyan at mag merienda na tayo. "Muling sabi ng aming ama sa mahinahon na tono waring hindi nagtaas kani-kanina lang. " Tay naman e, Si Ate talaga ang mali dito nagtutukaan sila ni Kuya. E bakit sa akin napunta ang payo at pagalit? " Di pa rin paawat na katwiran ni Paula. Hayun na naman siya dinadaan sa pagka-bunso ang lahat. " Oo na matigil ka na! Ang Ate mo ay nasa tamang edad na. Ikaw kung sa bayabas ay buntot pa kaya tantanan mo iyang sumpa ng demonyo na palabas. Sa tamang panahon kapag-hinog ka na at handa na akong palayain ang bunsuan ko ay mapipitas ka ng tamang lalaki na nararapat para sa hinog na bayabas. " Naantig ako sa mga sinabi ni Tatay. Sa bungad ng salita nito ay banaag ang kaseryosohan ngunit sa dulo ay naging mapaglaro. Nag iba na si Tatay buhat ng mawala si Nanay mas naging malapit ito o sabihin inilapit nito ng husto ang sarili sa amin mabuti,para na din itong bagong kaibigan sa amin. Nawala na ang ingay kaya naman ng balikan ko ang gawi kanina nina Paula at Tatay ay wala ang mga ito. kalantugan na ng pinggan ang sunod na narinig ko. Mukhang magsisimula na silang ihain ang dala ni Tatay na merienda galing sa tinulungan na handaan. At talagang paborito ko ang dala nitong merienda na valenciana. " Your Family is really amazing, Ma ko." libong kuryente ang sumigid sakin hanggang sa kaibuturan ko, pati sa aking p********e ay tumimo ang kuryente kaya kiming pinagdikit ko ang aking mga hita bago tumingin kay Azul. Ngunit imbes na mukha niya ang mabungaran ay ang mga labi niya ang sumalubong sa akin. Mapangahas sa una puno ng gigil ngunit kalaunan naging banayad. " Tama na 'yan kakain na." Normal na normal na sabi ni Tatay wala akong namalisya na kahit ano. " Opo Tay! Nag-request lang ng kiss ang Mahal ko." Pilyong sagot ni Azul sabay kindat sa akin at mabilis na tumalilis papunta sa gawi ni Tatay. Sa mga oras na ito alam kong kulay kamatis na ang mukha ko. Siya nga itong nakaw ng nakaw ng halik tapos ang sasabihin ay ako ang nag-request. " Hayaan mo Nak, ganyan din ang Nanay nila noon, mahilig magpa-halik o humingi ng halik. Pagbibigyan mo ah para walang away. Bati-bati lagi. Hahaha," Akala ko ay ako ang aalalahanin ni Tatay. Mali pala dahil si Azul ang pinaboran. Mukhang na baliktad na ang sitwasyon. " Mahal tara na, mamaya ulit kita bibigyan ng kiss. Maraming marami na kiss! " Hiyaw. As in hiyaw talaga ni Azul na umani ng tawanan mula sa kanilang tatlo sa kusina. Ang saya kahit napagkaisahan ako. Magaan sa loob makitang magkakasundo ang mga mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD