Pagkatapos ihatid ang mga magulang ni Blake sa airport ay umuwi sila ng bahay. Hindi kagaya ng naunang usapan nila dahil may padating daw itong bisita. Nagtatakang sinilip ni Joeuanna ang mga bisita ni Blake. They are all good looking men at mukhang mabubuting tao naman. Pero ni minsan ay hindi pa niya nakita ang mga iyon na nakahalubilo ng asawa. Saglit siyang ipinakilala nito sa dalawa before dimissing her. They’re talking discreetly at mukhang sadya talaga na hindi iparinig sa kanya. Blake didn’t even bother calling her. Hanggang sa makaalis ang dalawang lalaki. “Sino iyon?” Nakahalukipkip niyang tanong. Tila nagulat pa ito sa bigla niyang pagsulpot. “They’re detectives.” “Detectives? Ano’ng pinag-usapan nyo?” “I hired them, wifey. Para may nakabantay sa’tin… especially sa’yo. L

