“Set up?” Joeuanna throw her head back laughing. Tila baliw siyang maluha-luha sa kakatawa habang si Blake at Jhameira ay nag-aalalang nagkatinginan. Pinahid niya ang namasang sulok ng mga mata at saka hinarap si Blake. “Wifey—" “Don’t..." Itinaas niya ang isang kamay sa ere, signaling him to stop. "...call me that.” Madiin niyang sabi saka binigay ang atensyon sa cellphone. She typed furiously.. ‘What do you want?' Nagreply naman kaagad ang anonymous sender niya sa messenger. It was a dummy account at sigurado siyang kahit i-check niya ang profile noon ay walang totoong detalye sa nga inilagay nitong impormasyon. Ganoon na lang ang pag-alsa ng dugo niya sa reply nito. ‘File the annulment paper. Leave Blake Sullivan and your life will be peaceful.’ Joeuanna doubted that. Her life wi

