Joeuanna woke up na wala sa tabi niya si Blake. Napatingin siya sa wall clock - 10 am. Nag-unat siya bago dumapa at isinubsob ang mukha sa unan. Inaantok pa din siya dahil late na silang nakatulog ni Blake kagabi. Lasing itong umuwi at siya naman ay nanood ng Magic Mike habang hinihintay ito. Hindi niya maiwasang magtaka dahil ilang beses na ding nakauwi ng lasing ang lalaki but that night, he's pretty drunk. After nitong maligo ay sinamahan siya nito sa panonood niya. Kinulit siya nito at sa halip na mag-enjoy siya sa palabas, na-enjoy niya ang pang-iistorbo ng lalaki sa kanya. Iyong mga side comments nito kapag napapatawa siya o kinikilig dahil kay Channing at Alex. Iyong funny faces nito, na halatang hindi natutuwa sa reaction niya. "Tsk. Bunch of gays... why are you watching that kind

