"Hala susmaryusep naman!" "Kaya ayaw kong maging tourist spot itong isla natin, maraming mga taga ibang lugar na dito nagkakalat e." "Oo nga. Hindi ba iyan 'yong nakaupa doon kina Arlene?" "Aba'y oo. May asawa na 'yan e. Pero kanina pa nagkakagulo rito. Ni hindi man lang lumapit 'yong babae." "Baka naman naglayas na? Tsk. Kung ako sa kanya e lalayasan ko rin 'to. Aba'y walang pili ng lugar kung magtataksil lang din! Maryosep!" Nagising si Blake sa komosyon sa paligid. Tila siya nasa palengke sa dami ng nga boses na naririnig. 'Where am I?' Bakit nakakasilaw at mainit na yata ang sikat ng araw? Itinaas niya ang nga braso para hindi masilaw at matingnan ang kaguluhan. Nanliliit ang malabong tingin niya sa paligid nang may bumatok sa kanya. Muntik nang mapasubsob sa buhanginan si Blake.

