"Hi Sir! Ano pong order n'yo?" Malaki ang ngiti ni Joeuanna na hinarap ang kakarating na customer. Part time job na niya ang magtrabaho sa coffee shop ni Blake pero ngayong sem break ay full time siya. Nag-eenjoy naman siya, mas mabuti na iyon kaysa tumambay lang sa bahay. The guy smirked at tila hindi makapaniwalang sinuri siya ng tingin. Nang taasan niya ito ng kilay ay inikot nito ang tingin sa loob ng coffee shop. "So dito ka nagtatrabaho? I wonder if my bestfriend know na nandito ka lang pala all along." Kumunot ang noo ni Joeuanna at nawiwirduhang tiningnan ang lalaki. Hindi niya naman ito kilala. Wala naman siyang tinatakbuhan, worse, pinagkakautangan. Sa tono kasi ng pananalita ng lalaki, parang ang laki ng atraso niya sa kaibigan nito. Sino ba ang bestfriend nito? "Can I take yo

