********** Kakalabas lang ni Joeuanna ng banyo ng marinig ang sunud-sunod na door bell. Nadumihan kasi ni Simba ang suot niya kanina. Mabilisan siyang nagbihis ng damit na pinahiram sa kanya ni Prince. Para daw dapat iyon kay Jhameira pero umalis nga. Wala pa namang tao doon ngayon maliban sa kanya dahil namalengke si Nanang Salome, iyong katiwala. Si Prince naman, inuna pa iyong aso kaysa sa kanya. Naku, kung siya si Jhameira ay talagang iiwan niya ito. Mukhang galit pa yata ang nasa labas at hindi na makapaghintay. Mabilis siyang pumunta sa gate at sinilip ang tao doon. Babae. Magkasingtangkad lang yata sila, parehas din niyang morena. Hanggang balikat ang medyo maalon nitong buhok na bumagay naman sa babae. Hindi niya makita ang mga mata nito dahil suot nitong shades. Napaigtad pa siy

