Namangha ako sa ganda ng tanawin sa Nasugbu beach. Hindi talaga nawawalan ng magandang surpresa si Dexter. Naalala ko pa ang kuwento ni Karen na kumain sila sa isang Italian resturant. Tapos nanood pa sila ng sine. Magaling si Dexter pagdating sa ganitong bagay. Binuksan ng babaeng staff ang pintuan at ipinasok naman ng lalaking staff ang mga dala namin. Humakbang ako papasok sa loob ng resthouse. Tamang-tama magiging komportable ako rito dahil malawak ito. "Sir, tumawag na lang po kayo sa telepono kung may kailangan po kayo," sabi ng babaeng staff. Tumango si Dexter sa babaeng staff at may kinuha sa kaniyang bulsa sa maong short. Isang brown leather wallet. Binuksan niya ito at may kinuhang pera. "Aalis na po kami sir, tara na..." paalam ng babaeng staff at sabay hila sa kasama niyang

