“Hey,” Ric called my attention. Hinawakan n’ya ang kamay ko kaya agad akong nawala sa pagkatulala sa kawalan. Mula sa mga display na nasa mataas na cabinet ay inilipat ko ang mga mata sa kanya. “Oh, hi.” Tipid na ngumiti ako. Kaagad na nangunot ang noo n’ya kaya alam kong napansin n’ya ang hindi pag-abot ng ngiti sa mga mata ko. “May problema ba?” tanong n’ya sa akin at kaagad na naupo sa tabi ko. Ilang araw na mula nang makipagkita sa akin ang ina n’ya at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakabawi sa naging usapan namin. Hindi ko pa magawang ipaalam kay Ric ang tungkol doon. Ayokong magkaroon sila ng Mommy n’ya ng hindi pagkakaunawaan. Kahit na alam kong dapat kong ipaalam sa kanya ang tungkol doon para hindi na maging isyu pa sa mga susunod na araw ay hindi ko naman magawa. Hindi ko

