Hindi matapos-tapos ang mga tanong nina Sab at Letti kaya mas pinaulanan nila ako ng mga tanong nang matapos na ang huling klase ngayong umaga. Lunch break na at mamayang alas tres pa ang susunod na klase namin. Kung dati ay dumidiretso kami sa bahay namin para hindi na pumasok sa hapon, ngayon ay sa cafeteria ang punta namin. Doon kami magla-lunch na magkakaibigan at nasabi rin sa akin ni Ric kanina na hahabol s'ya roon mamaya. Kailangan lang s'ya sa office kaya baka ma-late s'ya ng kalahating oras. Hindi naman kaso sa akin iyon dahil alam kong busy talaga ang lalaki. Lahat na lang ng professor ay may ipinapagawa sa kanya. Kulang na lang ay si Ric na ang gumawa ng mga gawain nila. "Magkuwento ka na nga," pamimilit pa ni Sab. Kulang na lang ay yugyugin n'ya ako nang yugyugin. "Kani

