Chapter 21 Kneeling Napakurap ako habang nakatingin sa kisame. Totoo ba yung nangyari kagabi o isang panaginip lang? Hindi ako makapaniwala dahil parang isang panaginip lang ang nangyari kagabi. Keysa sa malate pa ako sa trabaho, bumangon na ako para maligo at mag-ayos. Pagkatapos ay bumaba na ako para mag-almusal. Halos kasabay ko si ate Angelie na bumaba habang inaayos ang hikaw niya tiyaka bumati sa akin. "Good morning." Matamis na ngiti ang iginawad niya sakin. Magsimula kagabi, hindi ko parin alam kung nasaan si ate Ann, wala pa akong balita pero baka sina mama ay may balita na dahil hindi naman iyon mapapalagay kung wala si ate. Sabay kaming umupo ni ate Angelie sa upuan, seryosong kumakain si kuya Adam habang may tinitingnan sa kaniyang iPad. Tahimik nalang akong kumain, d

