Chapter 19 Plan Ngayon na ang araw na pinakahihintay nina mommy, ngayon kasi ang araw na inaasahan nila na matatapos ang problema ng kumpanya kung maikakasal ako kay Clark. Oo, gusto ko si Clark pero isang kaibigan lang ang tingin ko sakaniya at hindi magbabago iyon dahil iba ang tinitibok ng puso ko. Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa ako sa kagustuhan ng magulang ko, dahil isa itong bagay na kapag pinasok mo ay hindi mo na pwedeng labasan pa. Ramdam ko rin na napipilitan lang si Clark sa akin marahil nahihiya siya o may mas malalim pa na dahilan. Napabuntong hininga ako sa pag-iisip, mamayang gabi na ang engagement party pero hindi parin ako naghahanda para rito. Tatawanan ba ako ng ilan kung sasabihin kong naniniwala ako sa pag-ibig? Na ang kasal ay nararapat lamang maisagawa

