Chapter 2

1617 Words
Chapter 2 Change Maaga akong nagising ngayon para asikasuhin ang enrolment ko sa school na papasukan ko. Nagsuot ako ng isang off shoulder na top at high waist denim shorts for bottom. Sinuot ko ang sneakers ko tiyaka kinuha ang envelope at sling bag ko. Kumuha ako ng mga pang-ipit sa aking tukador at nagmadaling bumaba para magpa-braid kay ate Angelie. Muntik akong madapa sa last step ng hagdan ng makita ko kung sino ang nakaupo sa living room sa sala. Pumikit-pikit pa ako para kumpirmahin na hindi ako namamalikmata. Tumingin siya sa akin kaya mabilis kong inayos ang aking pagkakatayo at pasimpleng inayos ang buhok ko. "Si ate Angelie?" I asked. Lumingon-lingon ako sa paligid but I failed. Hindi ko siya nakita. Tumaas ang kilay niya habang tinitiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo ko sa pagtingin niya sa akin. "Ganiyan na ba ang natutunan mo sa America?" Walang emosyon na tanong niya. Ano bang pinagsasabi niya? "Ha?" Nahiya ako sa sariling sagot ko sa tanong niya. I heard him 'tss'. "Wearing revealing clothes?" Patanong na sagot niya habang nakataas ang kaniyang kilay. "What are you talking about?" Hindi matakas ang inis sa pananalita ko. Ano bang sinasabi niya? Bakit ang sungit niya ata ngayon? "Tss." Tanging sagot niya sa tanong ko. Bumukas ang pintuan at niluwa nito si ate Angelie. Mukhang kakagaling niya lang mag-jogging base sa soot niya. Naka earphone pa ito habang may hawak na bottled water. Inalis niya ang earphone sa magkabilang tenga niya. "Oh. Mag-enrol na kayo ngayon?" She asked at tumingin sa aming dalawa ni Clark. Tamad na tumayo si Clark at pinagpag ang itim na leather jacket na suot niya. "Sunod ka nalang sa sasakyan." Masungit na wika nito at nakapamulsang lumabas sa bahay. Napailing nalang si ate Angelie sa reaction ni Clark. "Bakit ang sungit non?" Hindi ko maiwasan ang inis sa boses ko. Ang aga-aga daig pa ang babaeng may period. "Punta kana sa sasakyan." At nginuso pa niya ang labas ng bahay. I let a heavy sighed. Change is really constant. Tingnan mo nga naman, ilang taon lang parang hindi ko na kilala ang mga taong dati kong nakakasama. Nakita ko ang puting kotse. Binuksan ko ang passenger seat at pumasok roon. Nakita ko ang pagkunot noong tingin sa akin ni Clark galing sa rear mirror kaya gumilid na siya at tiningnan ako. "What are you doing there?" Masungit na tanong niya. Nagtaka naman ako sa reaction niya. "A-ah? Nakaupo?" Hindi siguradong sagot ko. Nakaupo lang naman ako rito. "Am I your driver?" Inis na tanong niya. Gulat parin ako sa pinapakita niya sa akin. "Front seat." Dagdag na wika niya tiyaka siya umayos ng upo. Napabuntong hininga na lang ako at lumipat sa front seat. Nang makalipat ako roon, pinaandar na niya ang sasakyan. Ang tahimik. "Ah-ahm." Hindi ko alam kung dapat ko bang i-open ang topic na ito sa kaniya pero wala akong alam na mapagkuwentuhan. "Kumusta na kayo ni Jane?" I'm talking about my close friend. As far as I know nung nagbakasyon kami sa Maldives, sila pa ni Jane ang kaso nambabae siya roon. "Who's Jane?" Simpleng tanong niya. Namilog ang mata ko sa gulat, doesn't he remember Jane? "Jane! My close friend!" Medyo napataas ang boses ko dahil hindi ako makapaniwala sa kaniya. "And? What about your close friend? Do I know her?" He looks so innocent. I looked at him with disbelief. Hindi niya talaga kilala si Jane? "You really don't know her?" Nakita ko ang paggalaw ng panga niya bago sagutin ang tanong ko sa kaniya. "Do I look like I knew her?" He said with a sarcastic tone. Sabagay, mukhang hindi na nga niya kilala. Napabuntong hininga nalang ako. Sa dami ba naman ng mga babae niya makikilala niya pa ba si Jane? Baka nga hindi na niya ako kilala, naikuwento nalang siguro ulit ako ni ate Angelie sa kaniya. Nakakabinging katahimikan ang naghari pagkatapos ng kaunting pag-uusap na 'yon. "Kumain ka na?" Muntik akong mapatalon mula sa pagkaka-upo nang bigla siyang nagsalita. Kailangan bang mang-bigla? "Ah? Ah. Hindi pa." I answered honestly. Nakita ko ang paggalaw ng panga niya sa sagot ko. "Mamaya nalang siguro pagkatapos kong pa-enrol." I added kahit na mukhang wala naman siyang pake sa balak ko. Hindi siya umimik pagkatapos non. After a silent ride, nakarating narin kami sa school. Ginarahe niya lang sa tapat ng gate kaya baka aalis siya pagkatapos niya akong ibaba rito. Binuksan ko na ang pintuan at kaagad na bumaba, bago ko isara ang pintuan ay nagpasalamat muna ako sa kaniya. Kaagad niyang pinaharurot ang sasakyan niya hanggang sa mawala sa paningin ko. Hay! Nakakainis naman! Ba't nakalimutan kong itanong kung saan ang registrar office rito? Huminga ako ng malalim at pumasok sa loob ng school. Lumapit ako sa guard house at napangiti ako nang makita kong nandoon ang guard at hindi gumagala-gala. "Ah manong, saan po rito ang registrar office?" I asked. Mukhang nagulat sa biglang sulpot ko si manong pero kaagad naman siyang nakabawi. Tinuro niya sa akin kung saan ang registrar office. At dahil Sabado ngayon kakaunti lang ang mga estudyanteng may schedule na pasok nila ngayon. Nakarating ako sa registrar office ng tahimik. Ginawa ang dapat gawin ng isang transferee at lumabas na roon. Napahawak ako sa puso ko sa gulat ng makita ang isang lalaki sa labas ng office. Napababa ang tingin ko sa hawak niyang pagkain, bumalik ang tingin ko sa walang emosyon niyang mukha. "Are you done?" Tanong niya. Isang hindi komportableng ngiti ang iginawad ko sa kaniya at napatango sa tanong niya. "Tara sa garden." Tiyaka siya tumalikod sa akin para pumunta sa sinasabi niyang garden, kaagad akong sumunod sa kaniya. Nasa likod niya lang ako dahil sumusunod lang ako sa kaniya papunta sa Garden, wala pa akong ka-close rito kaya baka p'wedeng pagtiyagaan ang masungit na lalaking ito. Nakarating kami sa hindi ganoong kalakihang garden ng school, sakto lang. Umupo siya sa isang bench na hindi naarawan dahil sa likod nitong puno. Umupo rin ako sa kabilang side ng bench, nasa gitna namin ang pagkain na binili niya. "Eat." Parang aso na utos niya. Bakit nagbabago ang isang tao? Ah, dahil sa nakaraan? Ano kaya ang nakaraan nito? Dahil gutom narin ako hindi na ako nagpabebe pa. Kinuha ko na ang binigay niyang pagkain sa akin. Ngumuso ako at nagsimulang kumain. Malayo lang ang tingin niya habang kumakain ako. Kumain na kaya siya? "Kumain kana?" I asked kahit na may pagkain pa akong nginunguya. "Oo." Tanging sagot niya lang. Ipinagkibit balikat ko nalang ang sagot niya at binalikan ang pagkain ko. Naubo naman ako dahil nabulunan ako ng konti, kaagad niya naman binuksan ang bottled water at binigay sa akin tinanggap ko iyon at ininom. "Magdahan-dahan ka naman, akala mo hindi ka kumain ng isang taon." Ngumuso ako sa sinabi niya. Ang sarap kaya ng binili niyang Chicken Teriyaki with rice. "Ang sarap kasi eh." Tanging sagot ko nalang. Bakit ba ang sungit niya, parang boy version ni lola Tess. "Pero hindi mo na talaga kilala si Jane?" Tanong ko habang kumakain parin, ang dami kaya paano ko mauubos? Sira ang diet ko nito. "Sino ba si Jane?" Medyo napipikon na tanong niya at bumaling pa sakin. Ngumuso ako tiyaka pinaliwanag ko sa kaniya. "Close friend ko si Jane. Niligawan mo noon, naging kayo. Maybe she's just one of your girls kaya hindi mo na maalala." Tipid akong ngumiti sa kaniya, nakita ko ang gulat sa mata niya pero kaagad rin itong nawala. "Wala akong mga babae." Muntik na akong matawa sa sagot niya. Wala raw? Maniniwala ba kayo ron? Ako kasi hindi. "Asus. Ang dami mo ngang babae noon eh. Lagi nga tayong nag-aaway sa mga babae mo." Napatakip ako sa bibig ko dahil mukhang ang pangit ata ng pagkakasabi ko. "I mean, nag-aaway tayo noon sa Maldives dahil nga kayo pa non nung kaibigan ko." Kaagad na paliwanag ko. "Ang tagal na non." Sagot niya. Medyo parang napahiya ako roon, kung sa bagay matagal na nga 'yon. "Madami nang nagbago, madami narin nangyari." Makahulugang wika niya. Marahil ay tama siya. Ilang taon na ba iyon? Lima? Anim? Ewan. Hindi ko na nga rin maalala. "Ah. Pasensiya na." Malungkot na wika ko. Bakit ko nga ba naman pilit na binabalikan ang nakaraan? Ano na bang nangyari sa buhay niya? Bakit wala na akong makitang babae na lagi niyang kasama? Hindi naman sa gusto ko na marami siyang babaeng laging kasama, nakakapagtaka lang. Clark Kent Suarez, walang babae? Hindi ba malaking katanungan 'yan? "Bakit nga pala pilit mong tinatanong si Janine?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya, Janine? "Jane kasi." I said. Napataas ang kilay niya at napa 'oh' ang bibig. "Oh. Sorry. Jane." He said again. Ngumuso ako dahil sa tanong niya. "Nawalan na kasi kami ng communication, nagbakasakali lang ako na may communication pa kayong dalawa." I honestly said. She is my first close friend because Ate Ann is my best friend. Napatango lang siya sa sinabi ko. Bakit bigla itong nagbago? Anong nangyari? Ano na bang nangyari sa loob ng limang taon? Ibang-iba siya. He looks matured than before pati pag-iisip. Hindi narin siya yung isip bata na kilala ko. He changed a lot or I just still not know him yet before? Is it because of a girl? If it is then, I pity Suarez's fate in love. Lagi silang naiiwanan at nasasaktan. Nasa kanila na nga ang lahat, the looks, money but they are always left by the girl they love. Why do people change? Kasi nasaktan at iniwan sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD