Chapter 11 Call Nagpalipas muna ng gabi dito si ate Ann para makapagpahinga narin dulot ng biyahe at bukas ay pupunta siya sa Pangasinan para tingnan ang business namin don. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung ano ba ang problemang kinakaharap ng kumpanya namin ngayon. Nagpaiba din ng kuwarto si ate sa kadahilanan para magawa ko raw ang mga school works ko, which is hindi ako kumbinsido dahil alam ko na may gagawin pa siyang paper works na related sa kumpanya at ayaw niya lang ipaalam sakin. Napabuntong hininga ako at humiga na sa kama habang nag-iisip. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay pagkatiwalaan si ate para sa estado ng kumpanya. Maaga akong nagising kahit na wala akong pasok ngayon. Maaga ang alis ni ate dahil may aasikasuhin pa siya doon. Naghilamos lang ako saglit

