Chapter 13 Rain Ngayon ang unang araw ko sa OJT, pencil skirt and white long sleeve partner with black office heels. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok ko, pinabayaan ko nalang itong nakabagsak. Kinuha ko ang isang shoulder bag ko na nakalagay na roon ang mga kakailanganin ko. Dumeretso muna ako sa kusina para mag-almusal, bahagyang napataas ang kilay ko ng isang tao lamang ang nakita ko sa kusina and he's wearing a formal attire. Oo nga pala, pareho namin first day ngayon. Oh well, not his first day, tumutulong na pala siya sa pagpapatakbo ng kumpanya. Ipinatong ko ang aking bag sa upuan tiyaka ako umupo. Kumuha ako ng pagkain ko at hindi ko maiwasan ang pagtatanong. "Sina Ate at Kuya, manang?" Tanong ko sa kasambahay namin na abalang nagpupunas sa may bar counter. "May

