Chapter 8

1650 Words
Chapter 8 Pissed "Ate saan tayo pupunta?" Tanong ko kay ate Ann. Nasa sasakyan kami ngayon, hindi ko alam kung saan kami pupunta. "Sa bagong bahay ni tito Matteo." Sagot niya sakin, tumango-tango lang ako. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadama sa oras na 'yon. Makikita ko nanaman siya kahit na mahilig siyang mang-asar gusto ko parin siyang makita. Ilang minuto ang lumipas bago kami makarating sa bagong bahay ni tito Matteo, noon kasi sa condo lang sila nakatira pero ngayon gawa na ang kanilang bahay. Pagkababa namin sa sasakyan, kaagad sumalubong sakin si ate Angelie kasama si Setiel at kuya Adam. Niyakap ako ng mahigpit ni ate Angelie ganon rin siya kay ate Ann. Sumunod ay si Setiel, Setiel nalang kasi ang pinatawag niya samin kahit na pinsan siya ni tito Matteo. Pagkatapos nila kaming niyakap kaagad kong nilibot ang mata ko sa bahay para tingnan ang iisang tao. Hindi rin naman ako nagkamali. Nakita ko siya, papalapit sa amin habang suot ang kulay pulang polo at pants. Ngumiti ako tiyaka kumaway sa kaniya. Kaagad siyang nakalapit sa amin, magkakasama na ang mga magulang namin mukhang nagkukuwentuhan habang nandito kami sa garden. "Si Clark may crush nanaman na ibang babae!" Sambit ni Setiel. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa round table sa garden, lahat naman ng atensiyon namin ay nakabaling kay Clark. "Normal lang naman iyon." Sagot niya kay Setiel. "You're just ten years old." Pagpapaalala ko sa kaniya. "That's okay, he's growing." Singit ni ate Ann. Nakita ko ang pag-ngiti ni Clark kay ate Ann. "Yup! I'm not a child anymore." Pagmamalaki niya pa sa akin. "Diba nga Grace may crush ka narin?" Namilog ang mata ko sa tanong ni ate Ann. Nasabi ko na kasi sa kaniya na may gusto ako pero hindi ko sinabi ang pangalan. "You're just seven years old." Nakakunot noong balik na sabi sakin ni Clark. Kinakabahan naman ako dahil baka tanungin nila ang lalaking crush ko. "We-well. I'm growing too." Taas noong sabi ko kahit na hindi ko mabigkas ng maayos ang sagot ko. Natawa si ate Angelie sa sagot ko, wala naman nakakatawa sa sagot ko ah? I'm just stating the fact here. "Dapat eighteen years old." Seryoso parin nakatingin sakin si Clark dahilan ng pagkailang ko. "Bakit ikaw ten years old?" Masungit na tanong ko sa kaniya. Umiling sakin si Clark. "Lalaki ako." May diin na sagot niya. Napataas ang kilay ko dahil don. "May nabasa ako sa internet na kailangan ng gender equality!" Pagdadahilan ko. E ano naman kung lalaki siya? Kapag lalaki ba kailangan ten years old pwede na pero kapag babae eighteen years old? "Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo rito ah?" Sulpot ni mommy galing sa kung saang parte rito sa bahay. "May crush na po kasi sina Clark at Grace tita." Sumbong ni ate Angelie. Kaagad dumapo ang tingin sakin ni mommy na nakangiti. "Who is it darling?" Tiyaka ito lumapit sa akin, umupo siya sa tabi ko. "I-it just James Reid mom!" Agaran na pagdadahilan ko. Natawa si mommy at hinalikan ako sa noo. "And who is your crush, Clark? Lagot ka sa mommy mo." Natatawang wika ni mommy habang nakatingin kay Clark. "Secret po." Tanging sagot ni Clark. Lagi kaming naglalaro at nagkikita dahil palagi kaming pinapasyal nina mommy at daddy kina ate Angelie. Kung minsan naman kapag may handaan sa bahay ay sila ang pumapasyal sa amin. Hindi ko nga maramdaman na magpinsan kami nina ate Angelie dahil parang magkakapatid na kami. Palagi kaming naglalaro sa park malapit sa bahay nina ate Angelie hanggang sa nakilala namin ang babaeng nangangalang Cassidy na naging kaibigan ni kuya Adam. Hindi kami pare-pareho ng paaralan na pinasukan dahil malayo ang subdivision namin sa kanila, kaya sa malapit na scool sa subdivision namin kami pumasok. Today is their 12th birthday, ate Angelie and kuya Adam kaya nandito kami ngayon sa bahay nila. Madaming mga bata rin ang nandito, mga kaklase nila siguro kasama ang ilang mga magulang nila at kasamahan sa trabaho nina tito. Kaagad naman nakakita ng kausap si ate Ann, pero hindi ako nakisama dahil sinisipon ako. Tahimik lang ako sa isang sulok habang pinapanood sila. Hanggang sa may umupo sa tabi ko, napatingin ako at isang hindi kilalang lalaki ang katabi ko. "Hello." Bati niya sa akin. Ngumiti naman ako, mukhang kasing-edad siya nina ate Angelie. Mukhang kaklase nila ito. "Hi." Tipid na bati ko sa kaniya. Hindi siya ganon kaputi at hindi rin siya ganon kaitim. Hindi siya moreno. Tamang puti lang. May pagkachubby rin siyang kaunti pero masasabi kong may mailalaban ang itsura niya. "My name is Allan, what is your name?" Nakangiting tanong niya sa akin. Hindi ko alam pero magaan naman ang loob ko sa kaniya, hindi naman siguro siya masamang bata. "Grace." Tipid na sagot ko at tinanggap ang kamay niya. "Kamukha mo iyon." Sabay turo sa kakambal ko na nakikipaglaro sa iba at mukhang masaya. "Kambal ko." Namilog ang mata niya sa sinabi ko. Natawa ako sa naging reaksiyon niya, mukhang hindi sanay na makakita ng kambal. "Are you related with Suarez?" Tanong niya sa akin, mukhang nakukuha na niya na may lahi kaming kambal. "Yup. Mother side. First cousin namin sina kuya Adam." Masayang wika ko. Napa "whoah" naman siya. "Bakit hindi ka nakikisama sa kanila?" He curiously asked. Umiling ako. "Masama ang pakiramdam ko, sinisipon ako eh." I said a matter of fact. Kanina pa ako pinipilit ni ate Ann pero ayaw ko talaga, masama ang pakiramdam ko baka kapag pinuwersa ko ang katawan ko ay lalo pang lumala ang sakit ko, iyon kasi ang sinasabi sakin lagi ni mama. Pinilit ko lang din si ate Ann na makipaglaro, ayaw niya kasi akong iwanan mag-isa rito. "Uminom kanaba ng gamot?" Nag-aalalang wika nito sakin habang nilapat ang kaniyang palad sa aking noo para tingnan kung mainit ba ako. Ngumiti ako dahil sa ginawa niya at tumango. Nagulat ako ng biglang may humatak sa kamay ko dahilan ng pagtayo ko. Tila nagulat din si Allan sa biglang pagsulpot ng lalaki sa amin. "Clark." Nakangiting bati ni Allan sa seryosong Clark. Nakahawak parin siya sa kamay ko at nasa likuran niya ako. "Kailangan niyang magpahinga." Tanging sabi ni Clark at hinatak ako paalis doon. Wala naman akong lakas para magpumiglas kaya sumunod nalang ako. Pumasok kami sa bahay at umupo sa sala, walang katao-tao dito, dahil nasa side yard ang lahat. Tanging mga kasambahay lang ang nandito, naglilibis at naghahanda. Sumandal ako sa sofa dahil masakit ang pakiramdam ko. Mamaya pa ako iinom ng gamot dahil naka-oras ito. "Anong pinag-uusapan niyo ni Allan?" Seryosong tanong ni Clark sa akin, napatingin ako sa kaniya na walang emosyon ang mukha. "Nagpakilala lang kami sa isa't-isa. Hindi naman kami ganon katagal nag-usap." Pagpapaliwanag ko kahit na sa tingin ko kahit hindi ako magpaliwanag ay ayos lang. "Bakit kayo nag-usap?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Bakit naman hindi? "Bakit? Bawal ba?" I curiously asked. Umiling naman siya at nakita ko ang bahagyang paggalaw ng panga niya. "He is a good man. He's friendly tho." Pagpupuri ko kay Allan, ganon naman kasi talaga siya and I think he have a good heart. "How can you say that?" Tiyaka siya bumaling sa akin. He look pissed and I don't know why? Maybe napagalitan kay tita Cathy? "Siya lang ang nag-iisang bata na nilapitan ako in the middle of nowhere." Yes, he is the first one who approached me. "Umiiyak lang kasi si Clarisse kaya hindi kami kaagad nakarating." Pagpapaliwanag niya. Clarisse is his little sister. "Oh." Tanging sagot ko lang tiyaka tumango-tango. "Paano mo naman nalaman na may sakit ako?" I asked. Kung kakarating lang nila paano niya nalaman na may sakit ako? "Hinawakan niya ang noo mo, he's checking your temperature. Common sense." Edi siya na ang matalino at may common sense. "Wala ba siyang sinasabi sayo?" He asked. Kumunot ang noo ko sa tinanong niya. "May dapat ba siyang sabihin sa akin? Ngayon lang kami nagkita at nagkausap. How come he will say something?" Sunod-sunod na sabi ko. May tinatago ba siya? Kaagad siyang umiling at tumingin sa akin. Nagbago na ang expression niya. Mukhang sumigla na siya ngayon. "Kumain ka na ba?" Hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip ay tinanong niya ako. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. "Did you drink your medicine?" Umiling ako, nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. "Naka oras. Mamaya pa sabi ni mama." Tanging sagot ko. Tumango siya. "Bakit hindi ka makipaglaro sa labas? Halos naglalaro lahat sila." I said. Umiling siya sa sinabi ko. "Edi wala kang makakausap at makakalaro? Ako ang makikipaglaro sayo." Nakangiting wika niya sakin. "Saglit lang." tiyaka siya tumakbo papunta sa labas. Pagdating niya dala na niya ang iPad niya at tumabi sa akin. "Anong gusto mong laruin?" Nakita ko naman ang mga laro sa iPad niya na puro online games na panglalaki. "Gusto kong manood." Kanina ko pa gustong manood sa iPad kaso mukhang masayang nakikipagkuwentuhan si mommy kaya hindi ko na inistorbo. "What is it? A movie?" He asked. "Bratz." Tipid na sagot ko sa kaniya. He look at me with disbelief. "Ano? You're already ten years old." Pagpapaala niya sakin. "And you're twelve." Walang kwentang sagot ko. Kahit na ayaw niya at hindi naman siya nanonood ng ganon ay pinanood parin namin. Alam ko na kung bakit ayaw niyang makipaglaro. He grew up already. I found him sweet while he's beside me watching a so girly cartoon entitled bratz. "Kung ikaw si Clarisse, iniwan na kita dito nanonood. I don't know kung anong gusto niyo diyan." He said. I chuckled. Nakaka awkward nga naman manood ng pambabaeng cartoon para sa isang nagbibinata na. Inakbayan niya ako kaya nasa dibdib na niya ang mukha ko hanggang sa hindi ko namalayan. I sleep on his arms.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD