Sampung minuto pa lang simula nang pumasok si Stef sa banyo. Ngunit hanggang ngayo'y nakatapat pa rin siya sa ilalim ng bumubuhos na tubig. Akmang kakapain na niya ang body wash nang maramdaman ang mainit na katawan sa kanyang likod. Agad siyang humarap at nakita ang nobyong seryosong nakatitig sa kanya. "Greg, 'di ba tapos ka nang maligo?" "Bakit, masama bang maligo ulit?" nakasimangot na tanong nito. Bahagyang natawa si Stef sa mala-bata na reaksyon ng nobyo. Hinawakan niya ito sa mga pisngi, "Hindi naman. Sige payag na'kong sumama ka rito." Matapos nito'y binigyan niya ng mabilis na halik ang nobyo. Ngunit hindi agad bumitiw si Greg. Kaya ang simpleng paghalik ni Stef ay naging isang malalim at mainit na palitan ng mga hininga. Hinayaan ni Stef na ipasok si Greg ang dila sa kanyang

