Elijah

1302 Words
Alas-tres na ng madaling araw nang makauwi si Stef sa Laguna. Dumiretso siya sa kuwarto at muling dumapa sa kama. Dahil hindi pa inaantok,  binuklat niyang muli ang librong Sanely In love with You at itinuloy ang naputol na pagbabasa, gayong sa mga sandaling iyon, wala namang ibang laman ang utak niya kundi si Elijah. Elijah's deep voice echoed around the ER as he carried Maya on his arms. The nurses hurriedly ran toward them and carefully placed Maya onto bed. "Dr. Grey, what happened to her?"  asked the nurse while holding a piece of information sheet. "I... I don't know. She just collapsed," Elijah said in a broken voice. "We have to contact her family. But she didn't have any identification cards with her." "She's Maya. Amaya Grey," Elijah said. "You know her doc?" the nurse asked in amazement. "Y-yes. She's... she's my wife..." --- Ilang beses nang nadaraanan ni Stef ang parteng ito ngunit nagdurugo pa rin ang puso niya kapag nagagawi sa bahaging ito ng libro. Pakiramdam niya'y karugtong niya ang damdamin ni Elijah. Ang kabiguan ng karakter ay kalugihan din niya. Ang kaligayahan nito'y kasiyahan din niya. "Sorry, Elijah. Kung pinagdaraanan 'to ng asawa mo. But my story needs it." Matapos basahin ang isa pang pahina'y isinara na niya ang libro. Bago tuluyang matulog, uminom muna siya ng isang basong red wine. Nang hindi pa ganap na inaantok, lumagok muli ng isa pa. At isa pa. Hanggang sa gumapang ang init sa kanyang mga ugat. Dahil dito'y hinubad niya ang suot na tshirt at pantalon, saka muling humilata sa kama. "You're so thoughtful and caring, Elijah. Sana meron ding katulad mo sa mundo. Or much better sana nandito ka na lang sa mundo ko," pagsusumamo ni Stef habang nakatingin sa kisameng may nakapinta na mga constellation. Ipinatong niya ang nobela sa tabi ng lamp at doon ay nakita niya ang Wunsken. Inabot niya ito pati ang ballpen na katabi at dumapa sa kama. "Magkakatotoo pala ha, sige let's see." Napapangiti si Stef habang nasasabik na isinusulat ang hiling sa Wunsken. Hindi nagtagal, unti-unti na siyang nakadarama ng antok kaya hindi niya namalayang napapapikit na siya habang ang libro'y 'di sinasadyang naihulog sa gilid ng higaan. At katahimikan ang bumalot sa gabing iyon. Lingid sa kanyang kaalaman, simula nang mapunta sa kanya ang libro'y may nagmamasid na sa kanya. Saan man siya magpunta, isang pares ng kulay tsokolateng mga mata ang sikretong nanonood sa kanya. Habang siya'y natutulog, lumapit ang isang hugis babae at umupo ito sa tabi niya. Kasing-katawan niya ito at ka-kulay ng buhok na brown. Matipid itong ngumiti habang hinahaplos ang malambot na buhok ni Stef. "Anuman ang hilingin, iyong kakamtin," bulong ng babae sa tainga ni Stef. "Kung 'yan talaga ang gusto mo, sige makukuha mo. Pero dapat maging handa ka rin sa kung anong maaaring maidulot sa'yo ng hiling mo, Stef." Dumampi ang mga labi nito sa pisngi ng nahihimbing na dalaga. Kasabay ng malamig na ihip ng hangin mula sa bintana ang biglaang pagkawala ng misteryosong babae. --- Kinabukasan, nagising si Stef sa lakas ng alarm clock na tumutunog tuwing alas-otso ng umaga. Matapos mai-off, ipinihit niya ang sariling katawan sa kabilang dako ng kama at napakunot ng noo nang madama ang mainit na dampi ng hininga sa kanyang pisngi. Marahan siyang dumilat at nang lumilinaw na ang kanyang paningin, bumungad sa mukha niya ang isang lalaking natutulog. Sa sobrang lapit nila sa isa't isa'y halos dumampi na ang mga labi nito sa kanya "Oh, s**t!" Wala sa sarili siyang bumangon ngunit nagkamali siya ng kilos. Umatras siya sa gilid kaya nahulog at lumagabog ang katawan sa sahig. May bahid man ng kirot ang parteng likuran niya, agad siyang tumayo, tumakbo sa banyo at naghilamos. Tinapik-tapik pa ang pisngi at tumalon-talon. "Impossible," bulong niya sa sarili habang nakatitig sa salamin. Muli siyang sumilip sa kuwarto sa pag-asang namamalik-mata lamang siya. Ngunit nakita niyang naroon pa rin ang lalaking naka-boxers lang at mahimbing na natutulog. Kulay mais ang makintab na buhok nito at animo'y sutla ang balat. Oh my God! Bakit may foreigner sa kama ko? S'an ba ako pumunta kagabi? Biglang tumunog ang cellphone ni Stef ngunit hindi naman niya alam kung saan ito nagmumula. Dahil sa hindi tumitigil ang pag-ring, nagising ang lalaki at kinuha ang cellphone na nasa uluhan nito. Ngunit na-battery empty na kaya hindi na muling nag-ingay. Kinusot-kusot ng lalaki ang mga mata at napatitig sa nakatulalang si Stef. "Who are you?"  namamaos na tanong ng lalaki habang marahang bumabangon. Sa loob ng dalumput-limang taon niya sa mundo, ngayon lamang huminto ang paghinga ni Stef nang halos isang minuto. Ngayon lamang niya nakita ang lalaking iyon. Ngunit habang lumalalim ang pakikipagtitigan, unti-unti niya itong nakikilala gayong ang itsura nito'y permanenteng nakakintal sa loob ng kanyang ulo at detalyadong nakasaad sa kanyang nobela. "E-Elijah?" "You know me?" nagtatakang tanong ni Elijah. Nang hindi siya nakatanggap ng sagot mula kay Stef, nilinga-linga ng binata ang paningin sa kabuuan ng silid at muling bumaling sa nakatulalang dalaga. "This is not my room, Miss. What am I doing here?" Tumayo siya sa kama at marahang lumapit kay Stef. "Okay, I'm... I'm Stef and...and you're in my room," nag-aalinlangang sagot ni Stef. "In your room," pag-uulit ni Elijah. "So how did that happen?" Nagkunot ng noo ang binata at bakas ang pagkairita. "Did you seduce me so you can bring me here?" "Yes! I mean no!" Mariing umiling si Stef. "Wait Elijah, please calm down. Just calm down, okay?" pakiusap ni Stef habang nag-iisip at paikot-ikot sa tapat ng malaking closet. "Calm down. Calm down. Bwisit! Ako ang dapat kumalma!" "Excuse me?" sabat ni Elijah. "What!" Nanlalaki ang mga matang bumaling si Stef sa binata. At ganoon na lamang ang kanyang pagtataka nang nakatitig ito sa dibdib niya. "Why are you staring like that? As if I'm naked?" nagtatakang tanong ni Stef. "You are naked," walang emosyong tugon ni Elijah habang itinuturo ang katawan ni Stef. Dahan-dahang ibinaba ni Stef ang sariling mukha at halos lumuwa ang mga mata niya nang makita ang sariling walang bra. Panty lamang ang suot niya. "Oh s**t!" Agad niyang tinakpan ang sariling dibdib at tumalikod. Tumakbo siya sa banyo upang magtapis ng tuwalya. Shit talaga! Ano ba 'tong nangyayari ngayon? Nananaginip yata ako... ani Stef sa sarili na muling napatitig sa salamin. Nang muli siyang lumabas sa banyo, namataan niyang si Elijah naman itong paikot-ikot sa buong kuwarto. Pinagmamasdan nito ang mga larawan sa dingding at mga kurtina. Pati ang hinigaang kama ay kinilatis din. "This'll be the last time I'm gonna ask you, Stef, What the hell am I doing in your place? I don't make hook-ups," seryosong tanong ni Elijah habang nakatitig nang diretso sa mga mata ng dalaga. Oh my God, those blue eyes are seductively beautiful. Hindi sinasadyang napako ang tingin ni Stef sa kaharap. Napansin ni Elijah na nakatulala lamang si Stef, kaya ipinitik niya ang mga daliri sa kaharap. "Hey!" Dahil dito'y natauhan si Stef at napailing-iling. "I... I don't know, Elijah. Please give me time to think. Just let me think first, okay?" Pakiramdam ni Stef ay umuurong ang sariling dila dahil sa presensiya ng kaharap. Kaya upang hindi tuluyang mataranta, inilihis niya ang mukha at nahagip ng kanyang paningin ang aparador. "Tama. Si Ninang!" Lumapit siya rito at kinuha ang spare phone at nakita itong puno ng mga text at missed calls galing kay Tamara. Agad niyang binasa ang isang mensahe sa pinakataas; "Stef, bakit 'di mo sinasagot? Sinulatan mo na ba 'yong Wunsken book? Nag-reseach ako kagabi sa website niyan, kung ano raw ang isinulat mo d'yan, hindi na p'wedeng bawiin!" Napahawak siya sa sahig at nakapa ang Wunsken kaya agad itong binuklat. "Bwisit. Naloko na." Napalunok siya habang binabasa ang sariling sulat kamay. Elijah, Please come to life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD