Bakas sa mukha ni Tamara ang labis na pag-aalala. Nasa balcony siya ng bahay ni Stef at habang hinihintay na lumabas ang inaanak, nagbabasa siya ng diyaryo ngunit tagus-tagusan naman ang paningin niya dito. Nasa mataas na elevation ang bahay ni Stef kaya kung tatanawin mo ang mga punung kahoy ay pawang mga tuktok na lang ng mga ito ang makikita. Tumayo si Tamara upuan sa gayo'y maiibsan ang kanyang pag-aalala ngunit bigo siya. "Good morning, Ninang!" masiglang bati ni Stef, naka-bathrobe pa ito at nakapulupot ng tuwalya ang buhok. Nagbatian sila sa pamamagitan ng beso-beso at sabay na naupo sa magkaharap na upuang bakal. "Stef, heto na ang mga hinihingi mo. Lahat ng mga importanteng document, nandyan na." sabi ni Tamara at maingat na inilapag sa bilog na mesa ang isang asul na file ca

