BEATRICE LUIGI SAMONTE P.O.V Habang kumakain kami ngayon sa mesa ay bigla na lamang dumating si Cryzelle at tumabi kay Aidan. "Cryzelle ano ba nasa harapan tayo ng pagkain!" Angil dito ni Aidan na tila naiirita na sa girlfriend niya. "Hindi naman masama na halikan ka Hon!" Sagot ni Cryzelle kay Aidan. "Pwede ba Cryzelle kumain ka nalang diyan dahil kami ay nagmamadali na din!" Utos ni Aidan kay Cryzelle ngayon. "Mabuti ikaw wala kang gagawin dito Cryzelle!" Dugtong pa ni Aidan sa sinabi nito kanina kay Cryzelle. "Okay I'm sorry Hon!" Kakain na muna ako at sasama ako doon sa inyo gusto ko din makita kung gaano kaganda ang falls na iyon na pinag-uusapan kanina ng team niyo. "Ikaw ang bahala basta't huwag ka lamang gagawa ng kalokohan doon Cryzelle!" Bilin pa dito ni Aidan na napuno na

