CRYZELLE GOMEZ (A.K.A LYSETTE Pagkatapos ng fashion show ay umalis na kami ni Sho na magkasama dahil nga sa sinabi ko tungkol sa issue sa amin ni Sho na umamin ako sa isang reporter na binayaran ko para itanong sa amin iyon. Kaya ngayon kahit nagagalit sa akin si Sho ay binaliwala ko lamang dahil madali ko lang naman itong malalambing at mawala na agad ang galit nito sa akin. Nakiusap din ito sa akin na kung maari ay bawiin ko ang aking statement sa mga reporter. At tinanong ko din ito kung dahil ba kay Bea kaya ayaw niya na malaman ng publiko na may relasyon ko na totoo naman na wala dahil una pa lamang ay sinabi na sa akin ni Sho na ayaw niya ng commitment at tanging gusto niya lamang ay mapagbigyan namin ang init ng aming mga katawan. Pero sa akin ay iba ang aking gusto dahil mata

