CRYZELLE GOMEZ (A.K.A) LYSETTE Papunta ako ngayon sa condo ni Sho at excited na ako dahil namiss ko ito ng sobra halos dalawang linggo na ng huli kami na nagkita at nagtalik. Hanggang sa nakarating na ako sa building kung saan ito na nakakuha ng unit ng condo nito ngayon. Nag buzzer ako sa pinto nito at mga ilang minuto ay nagbukas na ito. Pero laking gulat ko na parang nakakita ako ng multo mula sa nakaraan. Kinakabahan ako pero pinipilit ko na ikalma ang aking sarili at balewalain ang kabang aking nararamdaman. Dire-diretso na Ako na pumasok sa loob ng condo ni Sho. Pero nilingon ko na muli ang babaeng na tinanong ko a kung sino siya kahit pa kilalang kilala ko naman siya ay nagkunwari na lamang ako na hindi ko siya kilala. "SINO KA!" tanong ko dito. "Kasambahay ko siya honey!"

