CONTINUATION OF BEATRICE FLASHBACK'S
BEATRICE LUIGI SAMONTE P O.V
Habang nasa kubo kami ay nagsalita muli si Aidan.
"Salamat pala sayo Bea dahil sa mga sinabi mo kanina sa mga trabahador na lalo na kila nanay Rosa at tatay Berting."Pasasalamat nito sa akin.
"Okay lang iyon Aidan!" sagot ko naman dito.
"Dapat nga Ako pa ang humingi ng pasensiya dahil sa mga ginagawa ni Mommy sa mga trabahador ni Lola kapag bumibisita siya dito." Turan ko dito na nakikinig lamang sa akin.
"Kilala ko kasi si Mommy na matapobre kaya nga minsan ay madalas na kay Daddy Ako humihingi ng tulong kapag may mga charity na gusto ko na tulungan.'
"Mabuti na lamang at hindi ka nagmana sa mommy mo Bea."Halika na po at baka nag-aalala na sa inyo Lola Luciana mo!" Pagyaya nito sa akin dahil tumila na din ang ibinigay pa nito sa akin ang jacket niya dahil sa manipis ang aking damit ay kita na halos ang aking panloob.Dahil sa nabasa ito ng ulan.
"Isuot mo muna ito Bea dahil baka sipunin ka!" Sabay abot nito sa akin ng jacket niya na hindi tumitingin sa akin.Hindi ba siya nagagandahan sa akin or wala ba akong dating sa kaniya.?tanong ko sa aking isipan.
Sumakay na muli kami sa kabayo at umuwi na nga sa mansion.Habang sakay kami ng kabayo ay yumakap ako sa kaniyang likudan dahil nilalamig na din ako.Napapitlag pa siya ng maramdaman ang mga kamay ko na yumakap sa kaniyang likudan.
Hanggang sa nakarating na nga kami sa mansion at agad siya na bumaba at inalalayan naman Ako.Pero dahil gusto ko na malaman kung may dating ba Ako sa kaniya ay sinadya ko na magpabigay .Kaya naman na nawala sa balanse si Aidan at napahiga sa lupa Ako naman ay nakapatong sa kaniya subson ang mukha niya sa aking mga naglalaking hinaharap na hindi naman sa pagmamayabang ay nabiyayaan din Ako.
Pero parang wala din epekto dahil agad siya na nagpumilit na tumayo.Kaya naman tumayo nalang din Ako nakakainis! Paano ko mapapaibig ang lalaking ito na parang may allergy sa magagandang babaeng katulad ko.
"Bea okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Aidan.
"Okay lang naman Ako!" Sagot ko naman sa tanong niya sa akin. "Ikaw ang kumusta dahil alam ko naman na hindi Ako magaan kaya sana ay hindi ka napilayan?" Balik tanong ko sa kaniya.
"Okay naman Ako Bea?" pasensya ka na din dahil nawala Ako sa balanse . Paghingi nito ng dispensa sa akin.
Pumasok na kami sa loob ng mansion at inbutan namin si Lola na naghihintay na talaga sa pagbalik namin.
"Anong nangyari sa inyo?" Bakit ang dumi dumi ng mga damit niyo at tila inabutan pa kayo ng ulan?" Sunod-sunod na litanya sa amin ni Lola.
" Medyo nagkatuwaan po kasi Lola Luciana sa taniman at doon kami maghapon na tumambay ng Señorita Bea!" Kaya po ginabi na kami at inabutan pa ng ulan." Mahabang paliwanag ni Aidan kay Lola.
"Sige na at magpalit na muna kayo para sabay-sabay na tayong magsipagkain!" Ipapakuha kita ng damit kay Lysette Aidan iho.Para makapagpalit ka na din muna!"
Utos sa amin ni Lola kaya agad na Ako na umakyat sa hagdan.Pero bago Ako makaakyat nadaanan ko pa ang kasambahay na si Lysette at si Aidan na nagkwekwentuhan papunta sa kusina at binigyan siya nito ng pamalit na damit, Naiinis Ako sa aking nakikita na closeness nila ng Lysette na iyon.Samantalang sa akin ay hindi naman siya ganoon kapag kinakausap ko siya.Dumiretso na Ako na umakyat sa aking kwarto at naglinis ng aking katawan . Pagkatapos ko ay bumaba na Ako sa dining area at inabutan ko doon sila Lola na mag-uumpisa ng kumain.
"Halika na dito IHA at lalamig na ang pagkain na pinaluto ko na tiyak na magugustuhan mo !" Pagyaya sa akin ni Lola kaya agad Ako na lumapit sa mesa at amoy palang ay naramdaman ko na ang gutom,Si Aidan naman ay nakayuko lamang at hindi Ako tinitingnan.
"Wow!" ang sarap naman po nito Lola!' sino ba ang tagaluto niyo dito dahil napakasarap niya na magluto." Tanong ko kay Lola.
"Si Lysette ang nagluto ng mga iyan IHA!" Dahil habang bakasyon sa school ay katulong siya ng kaniyang Ina sa pagluluto para atin dito sa mansion." Sagot sa akin ni Lola na kinasimangot ko lamang dahil dapat pala ay hindi na lamang Ako nagtanong pa.Hindi ko maintindihan kung naiinis Ako sa Lysette na ito na kung tutuusin ay wala naman siyang ginawang masama sa akin.
"Masarap po talaga magluto iyang si Lysette.!" Sabat naman ni Aidan habang nag-uusap kami ni Lola.
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo Aidan okay!" Kami ni Lola ang nag-uusap kaya huwag ka na makisali sa usapan ng iyong mga amo! Mataray na sagot ko dito na agad naman Ako na sinaway ni Lola dahil sa inasal ko.
"Beatrice ano ba iyang sinasabi mo?!" Hindi tama.ang ganiyang asal sa mga taong tumutulong sa atin dito sa hacienda para mapanatili ang magandang produkto na binebenta natin sa bayan at ini-export pa nga kung minsan sa ibang bansa!" Tila galit na pagsaway sa akin ni Lola.
"Sorry po Lola!" Paghingi ko ng tawad dito dahil sa inasal ko.
"Huwag ka sa akin humingi ng sorry Beatrice! Kay Aidan ka nagkamali kaya sa kaniya ka humingi ng pasensiya.!"Si Lola na inutusan pa Ako na humingi ng sorry kay Aidan na sinunod ko na lamang dahil ayaw ko.na sumama ang loob sa akin ng Lola ko.
"Sorry Aidan!" Paghingi ko ng sorry dito.
"Hindi mo naman na kailangan gawin iyan Señorita!" dahil tama ka naman po na hindi dapat kami sumasabat sa usapan ng mga amo namin." Sagot nito sa akin sa tono ng boses na tila disappointed sa ipinakita ko na ugali sa kaniya tila naguilty tuloy Ako sa mga nasabi ko dito.pero hindi ko naman na maaring bawiin ito.
"Tama na iyan kumain na tayong lahat!" Si Lola na muling nagsalita.
Kumain na nga kami ng tahimik at wala ng nagsalit pa hanggang sa matapos kami at magpaalam na si Aidan sa Lola ko na aalis na ito.
"Lola aalis na po ako maraming salamat po sa masarap na hapunan!" Babalik na lamang po Ako dito bukas dahil kailangan mo po na pirmahan ang mga papel para maibyahe na sa bayan ang mga produkto natin!" Paalam nito kay Lola.
"Ganoon ba Iho!" isama mo si Beatrice bukas para naman makalabas siya sa bayan." Bilin pa ni Lola kay Aidan na ikinalingon nito sa akin.
*Sige po Lola kung iyan po ang gusto mo!"At kung gugustuhin po ni Señorita Bea na sumama," Sagot nito kay Lola.
"Okay lang naman sa akin" Ako na ang sumagot sa tanong nito kay Lola.
"So iyon naman pala Iho payag na ang apo ko!" Si Lola na tila nasiyahan sa naging sagot ko kay Aidan.
"Sige na po Lola at maaga pa kami bukas kaya kailangan ko na po na umuwi sa bahay aking bahay." Sayo din Señorita!" Paalam nito ulit at tuluyan ng lumabas ng mansion.Nagtataka din Ako kung bakit señorita na naman ang tawag niya sa akin.Malinaw naman na usapan namin kanina ay Bea na lamang ang itawag niya sa akin.Kaya lalo lamang Ako na nainis sa kaniya at napagsalitaan ko pa ng hindi maganda kanina habang kumakain kami.Nagpaalam na din Ako kay Lola na papasok.na Ako sa aking kwarto.
" Lola matutulog na din po Ako!" sabay halik ko s pisngi nito.
"Lola sorry po sa inasal ko kanina sa harapan ninyo ni Aidan!" muling paghingi ko ng sorry dito.
"Okay na IHA!" Basta huwag mo na lamang ulit uulitin iyon dahil dapat tayong makisama sa mga tauhan natin dahil kung wala sila ay wala.din tayong magagandang Ani dito sa hacienda." Naiintindihan mo naman siguro apo kung bakit ganito Ako diba?" paliwanag sa akin ni Lola at tinanong pa Ako kung naiintindihan ko daw ba siya.
"Opo Lola naiintindihan ko!" Huwag po kayong mag-alala babawi po Ako bukas kay Aidan.!" Sagot ko naman kay Lola na ikinangiti nito ng huli.
"Hala sige na IHA at matulog kana para bukas ay maaga ka na magising dahil laging maaga kung bumyahe si Aidan." Utos sa akin ni Lola kaya naman umakyat na Ako sa aking kwarto at doon ay nag-isip Ako kung paano na magiging malapit ang loob sa akin ni Aidan.Para maisagaw ko na ang bet na sinabi sa akin ni Tisha at makuha ko na din ang Chanel bag iyon na magiging prize ko kapag aking nagawa ang bet nito sa akin na mapa-ibig at saktan ko si Aidan kapag hulog na hulog na ito sa akin.
Sa aking ay kakaisip ay nakatulog na Ako.
Kinabukasan ay nagising Ako dahil sa katok na nagmumula.sa labas ng pinto ng aking kwarto kaya agad Ako na bumangon at binuksan ang pinto ng aking kwarto at bumubuhay sa akin ang napakagwapong mukha ni Aidan na nakasuporta white sando at rugged na pantalon na bumagay naman dito kaya literal na natulala ako sa kaniya.
"Señorita!" Pasensya na po kung naistorbo ko ang inyong pagtulog kailangan na po kasi natin.na umalis para dalhin sa pamilihan sa bayan ang mga bagong ani na prutas.!'" Mahabang pagkakasabi nito sa akin na ikinatango ko na lamang dahil aking naalala na kagigising ko pa lamang at wala hilamos kaya naman aking sinarado ang pinto ng walang pasabi kay Aidan.Dahil.bigla akong tinablan ng hiya dahil sa hitsura ko ng humarap Ako sa kaniya ngayong umaga.
Kumatok ulit ito at sinigawan ko na lamang mula sa loob ng aking kwarto na maliligo lang muna ako at susunod na din sa kaniya sa ibaba.
Pagkatapos ko na maligo ay nag-ayos muna Ako at naglagay ng kunting makeup sa aking mukha.Bumaba na Ako dahil baka mainip si Aidan bigla ay iwan na Ako nito.Pero pagkababa ko ng hagdan ay rinig na rinig ko na agad ng masayang tawanan nila ni Lysette na nagmumula sa kusina.Pumanta ko doon at aking inabutan na kumakain pala sila habang nagkwekwentuhan.
"Señorita! nandiyan ka na po pala!"Magandang umaga po sabay sabay na pagbati nila sa akin na ikinangiti ko lamang.
Pinaghanda nila ko ng plato at nakisalo na din Ako sa kanila.Kahit pa naiinis Ako sa kanilang dalawa kahit wala naman silang ginagawang mali sa akin.
Hanggang sa matapos na kami na kumain ay nagpaalam na din kami sa kanilang lahat.Ibinilin ko na lamang na sabihin kay Lola na nakaalis na kami ni Aidan. Si Aidan naman ay nagpaalam din kay Lysette at sa mga kasamahan nito.
Nauna na Ako na lumabas ng mansion dahil naiinis na naman Ako sa mga eksena na aking nakikita sa loob ng mansion.
Sumunod naman agad si Aidan na tinawag pa Ako.
"Señorita halika na po!" pagyaya nito sa akin.
"Aalis na ba tayo?" Akala ko kasi ay matatagalan pa bago mo maiwan ang girlfriend mo sa loob!" Tanong ko dito na ikinakunot ng noo nito.
"Girlfriend!" Nagkakamali ka po Señorita!" Sa tono.ng boses nito na tila nagtatanong kung sino ang girlfriend niya na tinutukoy ko.
"Si Lysette diba?" Girlfriend mo siya?" para nga kayong hindi mapaghiwalay kanina sa loob.?" Mahabang litanya ko dito na ikinatawa lamang nito.
"HA HA HA HA!" si Aidan na pinagtatawanan pa.ako sa mga sinabi ko na girlfriend niya si Lysette.
"Hindi ko po girlfriend si Lysette, kaibigan lamang po ang tingin ko sa kaniya at malapit po kami dahil siya ang tanging kaibigan na maituturing ko dito mula ng dalhin Ako dito ni Lola Luciana.!" Paliwanag nito sa akin na ikiliwanag ng mukha ko dahil sa aking mga narinig na paliwanag kay Aidan.
"Halika na Señorita!" dahil.tatanghaliin na po tayo." pagyaya nito sa akin.
"Bakit nga pala señorita na naman ang tawag mo sa akin Aidan?" Diba nag-usap na tayo na Bea na lamang ang itawag mo sa akin?" Tanong ko dito sa nagtatampong boses.
" Señorita nakakahiya po kasi sa Lola Luciana niyo kung tatawagin ko lamang po kayo ng Bea!" sagot nito sa akin .
" Sa tingin ko hindi naman magagalit si Lola dahil gusto pa.nga ni Lola na maging malapit Ako sa inyong mga trabahador dito sa hacienda ."Sagot ko naman dito.
"Okay!" Sige Señorita Bea ngumiti ka na dahil tatawagin na kita sa gusto mo na itawag ko sayo!" sagot nito sa akin na ikinangiti ko na.