LEIGH VESTER AJERO P.O.V Mula ng makita ko si Bea noong pinakilala ito sa amin ni Sho noong rehearsal ay hindi na siya nawala sa isip ko. Pero dahil nakikita ko na gusto din ito ni Sho ay hindi na ako gumawa pa ng paraan para ligawan siya dahil may respeto naman ako sa aking ka grupo kahit pa nakikita ko kung gaano nito sinasaktan si Bea sa mga sinasabi nito na masasakit na salita na maging kami na mga kagrupo ni Sho ay naninibago sa pinapakita nitong ugali sa harap ni Bea na gusto ko na sana yakapin ng araw na iyon pero nagdala isip din ako dahil nga ayaw ko ng gulo Alam din namin na hindi pa ganoon katagal mula ng umalis si Ava na naging dahilan naman ng kalungkutan ngayon ni Pinuno at alam din namin na nanligaw din dito si Sho mabuti na lamang at natanggap naman nito na hindi sila an

