AIDAN SHO CULLEN P.O.V Pababa na kami ng hagdan ni Cryzelle ng nakasunod lang pala sa amin sila Bea na pababa na din ng hagdan. Ikinawit ni Cryzelle sa akin ang kaniyang braso at pinaghawak kamay pa ang aming mga kamay na halos pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa mansion kaya hindi ko naman matagal dahil ayaw ko din itong mapahiya sa mga tao dito sa mansion. Habang naglalakad papunta sa dining area kung saan nagtitipon tipon ang lahat ay hindi na tinanggal ni Cryzelle ang kaniyang mga kamay sa aking braso. "Hey!"Ssob dito!" Tawag pa sa akin ni Pinuno na tinawag pa ako na ssob kabaliktaran ng boss dahil iyon ang tawag sa akin kapag naglalaro at nag stream ng mga laro online. Lumapit kami ni Cryzelle sa kanila at kumpleto na pala sila si Vester naman ay katabi din dito si Bea na

