AIDAN SHO CULLEN P.O.V Pumasok na nga kami sa loob ng kweba ni Bea at natakot pa ito dahil madilim sa loob dahil nakalimutan ko pa na buksan ang flashlight na aking dala. Kaya kinuha ko muna ito at binuksan para makita namin ang pinaka loob ng kweba dahil sa kabila nito ay napakagandang tanawin ang makikita ni Bea at alam ko na magugustuhan niya ito. "Ano ba mayroon dito Aidan?"Tanong sa akin ni Bea. "Basta Bea maganda sa kabila nitong kweba!"Sagot ko dito ng nakangiti dahil masaya talaga ako ngayon dahil sumama ito sa akin ngayon. Hanggang sa narating namin ang kabila ng kweba at paglabas palang namin ay kita ko na agad sa mga mata ni Bea masaya ito sa mga nakikita niya ngayon. "WOW!" Ang ganda naman dito Aidan!" Nakangiting saad ni Bea sa akin na talagang napa jaw drop ng makita an

